RR Enriquez, ipinagtanggol si Zeinab Harake; "Sila 'yung mga hypocrite"

RR Enriquez, ipinagtanggol si Zeinab Harake; "Sila 'yung mga hypocrite"

- Ipinagtanggol ni RR Enriquez si Zeinab Harake sa umano'y komento ng netizens na bigla itong naging 'maka-Diyos'

- May ilan kasing nagsasabi na tila naging instant 'Maka-Diyos' si Zeinab patungkol sa kanyang post kamakailan

- Ayon kay RR, wala siyang nakikitang mali sa naturang post ni Zeinab at ang may problema umano ay ang mga taong humuhusga sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

To the rescue si RR Enriquez kay Zeinab Harake na umano;y na-bash kamakailan dahil sa post nito tungkol sa pagtitiwala sa Panginoon.

RR Enriquez, ipinagtanggol si Zeinab Harake; "Sila 'yung mga hypocrite"
RR Enriquez (@rr.enriquez)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na mayroong ilang nagsasabing tila naging instant na 'Maka-Diyos' si Zeinab sa kanyang post.

"Sabi niya sa post niya sa kanyang Instagram account, 'Sarap kumapit kay God. Promise hindi ka niya pabababayaan," pagbabahagi ni RR.

Inulan daw ito ng komento dahil sa pagiging umanong relihiyosa raw nito.

Read also

RR, naikwentong minsan na siyang na-expel sa paaralan; "May sinagot-sagot akong teacher"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"In my own honest opinion, there's nothing wrong sa post ni Zeinab. Alam niyo kung ano 'yung may mali? 'Yung mga taong mali mag-isip. Lahat na lang ng ipo-post mo especially about God tingin na agad ng ibang tao parang bawal ka talagang magkamali. Once na mag-post ka about God, Yung mga taon 'yan, Diyos ko! hihintayon ka talaga nila na magkamali ka. Konting mali mo lang pupupnahin na agad nila, Hay naku o di ba pa-post post ka pa ng mga bible verse, tapos ikaw rin pala..." ani RR.

"To Zeinab, I'm so happy na wala nang ibang kinakapitan ngayon kundi si God. Kasi yun lang naman ang tagning kakapitan mo. Pwede kang iwanan lahat ng mga kaibigan mo, Pwede kang traydorin ng mga kaibigan mo, Pero si God never kang tatalikuran kaya sa kanya ka lang talaga dapat kumapit," dagdag pa niya.

Read also

Zeinab Harake, guest sa Wowowin; binalikan ang unang TV exposure

Narito ang kabuuan ng video:

Isa na ngayon sa inaabangan linggo-linggo ang mga vlog ni RR Enriquez. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'honest opinion' sa mga isyu lalong-lalo na sa showbiz.

Mula lamang sa kanyang pag-post sa mga sinasawsawang isyu, umaariba na ngayon ang kanyang YouTube channel at kamakailan ay natanggap na nga niya ang kanyang silver play button.

Matatandaang sa isa sa kanyang mga episodes, makulit na hinamon ni RR si Ivana Alawi ng paseksihan. Isang karangalan daw umano kay RR na maihambing pa kay Ivana gayung alam niya na ito'y mas bata sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel