Zeinab Harake, guest sa Wowowin; binalikan ang unang TV exposure

Zeinab Harake, guest sa Wowowin; binalikan ang unang TV exposure

- Guest si Zeinab Harake sa Wowowin sa November 12, 2022 episode nito kung saan mayroon pa siyang production number

- Nakausap siya ng TV host na si Willie Revillame pagkatapos ng kanyang production number

- Dito ay napag-usapan nilang muli ang pagsali noon ni Zeinab sa Wowowin noong mas bata pa siya

- Ani Zeinab, ito umano ang kauna-unahang TV exposure niya bago pa man siya sumikat bilang vlogger

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Guest si Zeinab Harake sa November 12, 2022 episode ng Wowowin. Napag-usapan nila ni WIllie ang kanyang pagsali noon sa Wowowin na aniya ay ang kauna-unahang TV exposure niya bago pa man siya sumikat bilang vlogger.

Zeinab Harake, guest sa Wowowin; binalikan ang unang TV exposure
Zeinab Harake, guest sa Wowowin; binalikan ang unang TV exposure (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Ani Willie, natatandaan niya si Zeinab noong sumali ito. Natutuwa din umano siya dito dahil sa pagiging perfectionist nito nang nagre-rehearse ng kanyang sayaw para sa kanyang production number.

Read also

Alex Gonzaga, biniro sina Angelica Yap at Flow G tungkol sa FB live

Napuri din ni Willie ang kanyang pagiging spontaneous umano sa pagsasalita na may potential umano sa hosting.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Matatandaang matapos lumabas ang video ni Wilbert Tolentino ay dumipensa si Zeinab sa mga nilabas na screenshot ni Wilbert laban sa kanya. Ani Zeinab, cropped ang mga nilabas na conversation ni Wilbert kaya hindi umano nailabas ang kabuuan ng kanyang sinabi. Inisa-isa niyang nilinaw ang mga nilabas na screenshot ni Wilbert na umano ay mga nasabi niya laban sa mga sikat na vloggers. Hiling naman ni Zeinab na tigilan na lang ang gulo at huwag na siyang ididikit sa grupo nina Wilbert para matapos na ang gulo.

Nilinaw naman ni Zeinab na bago siya nag-live sa Facebook ay tinawagan niya ang mga taong nadawit sa video na nilabas ni Wilbert. Kinausap at nilinaw niya umano sa mga taong nasangkot ang tungkol sa mga lumabas na screenshot na ayon sa kanya ay kulang na dahil cropped umano ang mga ito. Kabilang sina Ivana Alawi at Alex Gonzaga sa kanyang mga tinawagan kaugnay dito at nagkaintindihan umano sila. Maging sa kanyang video ay humingi si Zeinab ng dispensa sa mga taong nadamay pa umano.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel