Zeinab Harake, sinabing cropped ang mga screenshot ni Wilbert Tolentino

Zeinab Harake, sinabing cropped ang mga screenshot ni Wilbert Tolentino

- Dumipensa si Zeinab Harake sa mga nilabas na screenshot ni Wilbert Tolentino laban sa kanya

- Ani Zeinab, cropped ang mga nilabas na conversation ni Wilbert kaya hindi umano nailabas ang kabuuan ng kanyang sinabi

- Inisa-isa niyang nilinaw ang mga nilabas na screenshot ni Wilbert na umano ay mga nasabi niya laban sa mga sikat na vloggers

- Hiling naman ni Zeinab na tigilan na lang ang gulo at huwag na siyang ididikit sa grupo nina Wilbert para matapos na ang gulo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ani Zeinab Harake, cropped ang mga messages na pinakita ni Wilbert Tolentino kaya hindi naipakita ang buo niyang sinabi. Inisa-isa niyang nilinaw ang mga nilabas na screenshot ni Wilbert na umano ay mga nasabi niya laban sa mga sikat na vloggers.

Zeinab Harake, sinabing cropped ang mga screenshot ni Wilbert Tolentino
Zeinab Harake, sinabing cropped ang mga screenshot ni Wilbert Tolentino (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Hindi napigilan ni Zeinab na maiyak habang dinidipensahan ang sarili laban sa akusasyon sa kanya. Gayunpaman, sa huling bahagi ng video ay pinakiusap niya sa kanyang mga tagasuporta na tigilan na lamang ang gulo. Aniya, iwasan na lang na idikit pa ang pangalan niya sa kanila para matigil na ang isyu.

Read also

Sachzna Laparan, aminadong nasasaktan sa mga lumabas na isyu

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Zeinab Harake ay isang kilalang social media influencer at sikat na YouTube content creator na mayroong milyon-milyong subscribers. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Marami sa mga netizens ang bumati kay Zeinab noong Father's Day at binahagi niya ito sa kanyang IG stories. Marami sa mga ito ang pagbati sa kanyang pagtayo bilang ama sa anak niyang sina Lucas at Zebbiana. Matatandaang simula nang isapubliko ni Zeinab ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee ay bumuhos ang suporta sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kapwa niya social media influencer at content creator. Kasalukuyang nasa pangangalaga niya ang anak na si Bia at ang adopted son na si Lucas.

Nitong Father's Day ay sinabi ni Zeinab na saludo siya sa mga kapwa niya nanay na aniya ay nagpapaka-tatay sa kanilang mga anak. Kaya naman, isang pagbati ang binahagi ni Zeinab sa mga kagaya niyang single mom sa pamamagitan ng isang tweet. Bumuhos naman ang pagbati sa kanya mula sa kanyang mga followers na sumuporta sa kanya lalo na nang isapubliko niya ang paghihiwalay nila ni Skusta Clee.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel