Alex Gonzaga, biniro sina Angelica Yap at Flow G tungkol sa FB live

Alex Gonzaga, biniro sina Angelica Yap at Flow G tungkol sa FB live

- Nakasama ni Alex Gonzaga ang vlogger na si Angelica Yap kasama ang boyfriend nitong si Flow G sa bagong video na binahagi ni Alex

- Sa pagpunta ni Alex sa kanilang bahay ay inilibot nila sa kanilang bahay si Alex

- Nag-rap din si Alex habanang nag-drums si Flow G na kinalaunan ay nag-rap din

- Sa huling bahagi ng video ay nagbiro pa si Alex na mag-e-FB live daw siya dahil hindi siya sinabay ng dalawa matapos nilang kumain sa labas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sina Angelica Yap at Flow G ang nakasama ni Alex Gonzaga sa kanyang pinakabagong vlog. Sa huling bahagi ng video ay nagbiro pa si Alex na mag-e-FB live daw siya dahil hindi siya sinabay ng dalawa matapos nilang kumain sa labas.

Alex Gonzaga, biniro sina Angelica Yap at Flow G tungkol sa FB live
Alex Gonzaga, biniro sina Angelica Yap at Flow G tungkol sa FB live (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Pinuntahan ni Alex sina Flog G at Angelica sa kanilang bahay. Isang maiksing tour ang ginawa nila. Matapos ang kanilang kwentuhan ay pumunta sila sa kainan na palagi umanong pinupuntahan nilang dalawa para kumain.

Read also

Dimples Romana, nagdiwang ng kaarawan kasama ang mga street children

Marami naman ang natuwa kay Alex dahil sa kabila ng isyu nina Zeinab at Angelica ay hindi ito nagpaapekto at pinakitang kaya niyang makipagkaibigan.

Love how Alex is just open to collab with everyone :)

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kahit Sino talga Maka Collab ni Alex .. Yung saya habang nanonood laging walang dull moments
This goes to show Alex is a friendly human being. A friend to zeinab and a friend to Angel. I mean, that's how it should be. Di porkit di okay yung dalawa di karin okay sa isa diba.

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na umano ay nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Read also

Zeinab Harake, guest sa Wowowin; binalikan ang unang TV exposure

Kamakailan ay pinakita ni Alex ang naging date nila ng kanyang asawang si Mikee Morada matapos siya nitong sunduin mula sa trabaho. Dinala siya ni Mikee sa isang paresan kung saan makikitang na-enjoy ng mag-asawa ang kanilang pagkain. Nakipagkulitan din si Alex hindi lamang sa mga staff ng kainan kundi maging sa mga customer na kumakain kasabay nila. Matapos silang ilibre ng may-ari ng kainan, nagpasya silang ilibre na lang ang mga kasabayang customer.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel