Zeinab Harake, tinawagan at kinausap ang mga taong nadawit sa video ni Wilbert Tolentino

Zeinab Harake, tinawagan at kinausap ang mga taong nadawit sa video ni Wilbert Tolentino

- Nilinaw ni Zeinab Harake na bago siya nag-live sa Facebook ay tinawagan niya ang mga taong nadawit sa video na nilabas ni Wilbert Tolentino

- Kinausap at nilinaw niya umano sa mga taong nasangkot ang tungkol sa mga lumabas na screenshot na ayon sa kanya ay kulang na dahil cropped umano ang mga ito

- Kabilang sina Ivana Alawi at Alex Gonzaga sa kanyang mga tinawagan kaugnay dito at nagkaintindihan umano sila

- Maging sa kanyang video ay humingi si Zeinab ng dispensa sa mga taong nadamay pa umano

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Minabuti ni Zeinab Harake na kausapin umano ang mga taong nabanggit sa video na nilabas ni Wilbert Tolentino. Humingi siya ng dispensa sa mga ito bago siya nag-live sa kanyang Facebook page kung saan inisa-isa niyang nilinaw ang isyu.

Zeinab Harake, tinawagan at kinausap ang mga taong nadawit sa video ni Wilbert Tolentino
Zeinab Harake, tinawagan at kinausap ang mga taong nadawit sa video ni Wilbert Tolentino (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Kabilang sina Ivana Alawi at Alex Gonzaga sa kanyang mga nakausap kaugnay dito at nagkaintindihan umano sila.

Read also

Wilbert Tolentino, sinabing threatened umano si Zeinab kina Madam Inutz at Herlene

Paliwanag ni Zeinab, nagkaroon sila ng isyu ni Ivana noon at ito yung panahong nagkausap sila ni Wilbert kung saan nakuha ang screenshot na nilabas nito. Kinalaunan umano ay nagkaayos at nagkaliwanagan din sina Zeinab at Ivana.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Zeinab Harake ay isang kilalang social media influencer at sikat na YouTube content creator na mayroong milyon-milyong subscribers. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Marami sa mga netizens ang bumati kay Zeinab noong Father's Day at binahagi niya ito sa kanyang IG stories. Marami sa mga ito ang pagbati sa kanyang pagtayo bilang ama sa anak niyang sina Lucas at Zebbiana. Matatandaang simula nang isapubliko ni Zeinab ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee ay bumuhos ang suporta sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kapwa niya social media influencer at content creator. Kasalukuyang nasa pangangalaga niya ang anak na si Bia at ang adopted son na si Lucas.

Nitong Father's Day ay sinabi ni Zeinab na saludo siya sa mga kapwa niya nanay na aniya ay nagpapaka-tatay sa kanilang mga anak. Kaya naman, isang pagbati ang binahagi ni Zeinab sa mga kagaya niyang single mom sa pamamagitan ng isang tweet. Bumuhos naman ang pagbati sa kanya mula sa kanyang mga followers na sumuporta sa kanya lalo na nang isapubliko niya ang paghihiwalay nila ni Skusta Clee.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel