Kean Cipriano, makulit na inalala ang kakaibang nagawa sa kanya ng isang fan

Kean Cipriano, makulit na inalala ang kakaibang nagawa sa kanya ng isang fan

- Ibinahagi ni Kean Cipriano ang ilang mga kaganapan noon siya ay nagbabanda pa

- Natanong sa kanya ni Luis Manzano kung ano pinaka-weird na nagawa na ng isang fan sa kanya

- Natatawa na lang si Kean gayung nangyari ito sa isa sa mismong concerts nila

- Si Kean ay dating miyembro ng Callalily at ngayo'y humahawak na rin ng mga talento

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Kean Cipriano ang pinakakakaibang nagawa sa kanya ng isang fan.

Kean Cipriano, makulit na inalala ang kakaibang nagawa sa kanya ng isang fan
Kean Cipriano, makulit na inalala ang kakaibang nagawa sa kanya ng isang fan
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na hindi niya ito malilimutan gayung nangyari pa talaga ito sa big crowd ng kanilang grupo.

"Ano 'to susi... Yung reaksyon ko talga hindi ko alam paano ko ire-reveal ang sarili ko. May nakita ako mga tumawa na lang," natatawang ibinulalas ni Kean.

Matatandaang si Kean ang bokalista ng bandang Callalily na ngayo'y nasa Lily na lamang nang kanyang lisanin ang grupo.

Read also

RR Enriquez, umalma sa AlDub fans na nagsasabing may anak si Alden at Maine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tutok si Kean sa sarili niyang larangan gayundin sa pag-manage ng mga talented young artist tulad nina Unique Salonga at Adie.

Samantala, sa mga huling nakapanayam ni Luis Manzano bago siya magtungo ng Uganda ay walang iba kundi si Herlene Nicole Budol. Todo puri ni Luis si Herlene na nilarawan niyang napaka-propesyunal.

"Alam niyo kung bakit napakasarap kausap ni Herlene bukod sa personality niya? Kasi napanood kita sa Wowowin pa lang e, kay Tito Wils pa lang. At from that day na napanood kita hanggang sa ngayon na nag-uusap tayo ang nakikita ko, isang binibining nangarap, Pinagtrabahuhan niya ang lahat. Ginawa ang lahat para maabot 'yan and still kahit sa dinami-rami ng na-achieve mo na, nag-beauty queen ka, may sariling bahay, may ipon na nangangarap ka pa rin," ani Luis.

Read also

Cristy Fermin, nababahala sa nadadalas na 'fake news' ukol sa buhay ni Mike Enriquez

"Siya ang patunay na ang sarap mangarap... Ang sarap magtrabaho para sa pangarap. Kaya napaka-refreshing mong kausap Herlene," pahayag ni Luis.

Bukod sa kahanga-hanga nitong pinagdaanan sa buhay, hanga rin umano si Luis sa pagiging propesyunal na tao ni Herlene.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel