Andrea Brillantes, sineryoso ang pagpapayat; nasabihan umano ng ABS-CBN ayon kay Ogie D

Andrea Brillantes, sineryoso ang pagpapayat; nasabihan umano ng ABS-CBN ayon kay Ogie D

- Dinipensahan ni Ogie Diaz ang haka-haka ukol kay Andrea Brillantes na nagparetoke umano ito

- Isa sa mga bago nitong larawan ang nakaagaw ng pansin sa publiko gayung inakala ng marami na nagparetoke ito ng dibdib

- Maraming netizen umano ang nakapagbitiw ng hindi kagandahang komento sa larawan iyon ng Kapamilya actress

- Nabanggit din ni Ogie D na mayroong proyekto si Andrea kasama si Kyle Echarri na bago nitong kapareha

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalmahan ni Ogie Diaz ang umano'y napansin ng mga netizens sa aktes na si Andrea Brillantes.

Ogie Diaz, dinipensahan ang retoke isyu kay Andrea Brillantes
Andrea Brillantes
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa bagong larawan nito, agad na napansin ng netizens na tila nadagdagan umano ang dibdib nito.

Karamihan tuloy sa naging komento sa larawan ni Andrea ay ang pag-aakala ng marami na nagparetoke ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ipinaliwanag naman ni Ogie ang posibleng maging dahilan ng pagbabago sa katawan ng aktres.

"2 months ago, sinabihan siya ng taga ABS- CBN na magpapayat kasi medyo siya ay lumusog dahil naparami yata ang kanyang kain noong nag-USA... Kaya naman si Andrea, ito ay tumimo sa kanyang isipan kaya siya ay nag-concentrate, siya ay nag-focus na magpapayat," paliwanag ni Ogie Diaz.

At dahil sineryoso umano talaga ni Andrea ang kanyang pagbabawas ng timbang, mas lalo raw humulma ang pangangatawan nito.

Nabanggit din ni Ogie Diaz ang proyekto ni Andrea na sisimulan ngayong Enero sa pagbubukas ng 2023.

Aniya, si Kyle Echarri na ang makakapareha nito gayung ang dati niyang ka-love team na si Seth Fedelin ay tuluyan nang itinambal sa kanyang kay Francine Diaz. Matatandaang sila ang bumubuo ng 'gold squad' ng kanilang hit afternoon series na Kadenang Ginto.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Sa isa sa mga episode ni Ogie D sa kanyang Showbiz Update channel, nakapanayam niya si Joshua Garcia na sinabing 'single' daw umano siya ngayon.

Aniya, nakakaramdam siya ng inggit sa umano'y showbiz couples na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde na pawang mga kasama niya sa Japan kamakailan.

Naging usap-usapan din ang pahayag ng aktor na si Christian Bables sa Showbiz Update channel ni Ogie Diaz. Nilinaw ni Christian na 'straight' siya taliwas sa pag-aakala ng iba na isa siyang beki dahil sa mga nagiging roles niya kamakailan sa pelikula.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel