Christian Bables, sinabing 'straight' siya; bukas sa posibilidad na ma-attract sa kabaro

Christian Bables, sinabing 'straight' siya; bukas sa posibilidad na ma-attract sa kabaro

- Diretsong sinagot ni Christian Bables ang madalas na tanong sa kanya tungkol sa kanyang kasarian

- Aniya straight siya at ang kanyang atraksyon ay pawang mga babae pa rin

- Subalit buong tapang din niyang nasabi na sakaling bigyan siya ng Diyos ng pagkakataong ma-attract sa kanyang kabaro, wala raw itong problema sa kanya

- Kilala si Christian Bables sa husay niya sa pagganap sa mga gay roles tulad ng bago niyang pelikula na 'Mahal Kita Beksman'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot na ni Christian Bables ang madalas sa kanya na maitanong tungkol sa kanyang kasarian.

Christian Bables, sinabing 'straight' siya; bukas sa posibilidad na ma-attract sa kabaro
Christian Bables (@christiaaan06)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na 'straight' umano si Christian sa kabila ng napakahusay niyang pagganap sa mga gay roles.

"I'm a straight man. My preference and my attraction is with the opposite séx," ani Christian sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz.

Read also

Christian Bables, sinang-ayunan ng marami sa kanyang post na "never stan a bully"

Gayunpaman, tila bukas si Christian sa posibilidad na magkaroon din siya ng atraksyon sa kanyang kabaro.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"But kung isang araw, i-twitch ni God 'yung puso ko, 'Christian, bibigyan kita ng special ability and another blessing na to be able to appreciate, romantically be attracted or love the same séx, a person of the same séx, ia-accept ko 'yun. Wala akong objection doon. Ia-accept ko 'yun arms wide open," dagdag pa ni Christian.

Matatandaang tumatak na sa publiko ang kabi-kabilang gay roles ni Christian na talaga namang napakahusay niyang nagagampanan.

Katunayan, mayroon siyang bagong pelikula ngayon kasama sina Keempeee De Leon, ang 'Mahal Kita. Beksman'

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Christian mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Christian Mercurio Bables ay isang Filipino actor. Hinirang siya bilang Best Leading Actor sa 5th Hanoi International Film Festival para sa karakter niyang "Intoy" sa pelikulang Signal Rock. Nagwagi rin siya bilang Best Supporting Actor sa Gawad Urian para sa kanyang trans woman role na si "Barbs" sa pelikulang Die Beautiful na pinagbidahan ni Paolo Ballesteros.

Read also

Alex Gonzaga, tutuparin umano ang mga wish ng mga maswerte niyang fans

Samantala, isa sa pinakaabangan ang mga videos ni Ogie Diaz sa kanyang mga YouTube channel na Ogie Diaz Inspires at Ogie Diaz Showbiz Update. Dito masasagap ang pinakamaiinit na balita at kontrobersiya sa loob at labas ng showbiz at makapagbibigay inspirasyon naman ang panayam niya sa iba't ibang kilalang personalidad sa bansa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel