Alex Gonzaga, tutuparin umano ang mga wish ng mga maswerte niyang fans

Alex Gonzaga, tutuparin umano ang mga wish ng mga maswerte niyang fans

- Tutupad ng mga kahilingan si Alex Gonzaga ng mga masuswerte niyang subscribers

- Ito ay bilang pasasalamat niya sa limang taon na pagsuporta sa kanya ng mahigit na 13 million subscribers niya sa YouTube

- Ito ay sa inaasahang bagon programa niya na 'Dear Alex baka naman' kung saan magpapasaya siya ng mga fans na ibibigay niya ang kahilingan

- Matatandaang kamakailan lang, nabalot ng kontrobersya si Alex dahil sa pamamahid umano ng icing ng cake sa water na may dala nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pagtatapos ng kanyang pinakabagong vlog na "Napaka-Bonggang House raid w/ Tita Small by Alex Gonzaga," inanunsyo ni Alex ang umano'y pagtupad niya ng hiling ng kanyang mga fans.

Alex Gonzaga, tutuparin umano ang mga wish ng mapipili niyang fans
Alex Gonzaga (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay sa pamamagitan ng 'Dear Alex, baka naman' na pinaniniwalaang bagong programa ni Alex bilang pasasalamat sa kanyang mahigit na 13 million na subscribers na walang sawa umano ang pagsuporta sa kanya sa loob ng limang taon.

Read also

Toni G, ibinahagi ang highlights ng kanyang concert; Daddy Bonoy, napasabak sa kantahan

"Lahat ng inyong wish, mapa-cellphone man ito, mapa-picture lang with me, meet and greet sa favorite niyong artista kahit hindi ako -- kaibigan ko or kumain lang sa restaurant na gusto niyo... Kahit ano pa pong request or wish ninyo!"

Marami na rin daw umanong nagpapadala sa kanya ng mga request kaya naman napapanahon na raw na pagbigyan ang mga ito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Alex Gonzaga ay isang komedyante, host at vlogger ng Pilipinas. Siya ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

Nag-trending si Alex sa Twitter kamakailan, dahil sa umano'y nagawa nito sa isang waiter sa mismong selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Sinabing nagkausap na sina Alex, nakahingi na umano ng tawad si Alex sa naturang waiter sa pamamagitan ng isang pahayag na pirmado ng umano'y naagrabiyado.

Sa 20th anniversary show ng kanyang kapatid na si Toni Gonzaga, tila napagbiruan nilang magkapatid ang tungkol sa cake. Ani Toni, birthday niya nang araw na iyon kung kailan ginanap ang kanyang concert subalit siniguro raw niyang inilayo nila ang lahat ng cake kay Alex.

Read also

Ellen Adarna, nakakatanggap ng dibidendo mula sa pamilya

Sa post mismo ni Alex bilang pagbati sa kanyang kapatid, isang netizen ang nag-suggest na magpa-cake si Alex para kay Toni. Nag-reply ito sa netizen at sinabing naglalalayo talaga siya sa mga cake.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel