Ellen Adarna, nakakatanggap ng dibidendo mula sa pamilya

Ellen Adarna, nakakatanggap ng dibidendo mula sa pamilya

- Sinagot ni Ellen Adarna ang tanong ng isang netizen tungkol sa kung paano umano siya nagkaka-income

- Ayon sa netizen, sa bahay lang naman daw lagi si Ellen kaya naitanong niya kung paano ito nagkaka-income

- Ani Ellen, may kita din naman siya sa kanyang mga produktong ini-endorso

- Bukod pa dito ay binibigyan din umano siya ng dibidendo mula sa kanyang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naitanong kay Ellen Adarna ng isang netizen kung paano umano ito nagkaka-income kahit palagi lang naman daw itong nasa bahay. Ani Ellen, bukod sa kanyang endorsement ay binibigyan siya ng dibidendo ng kanyang pamilya.

Ellen Adarna, nakakatanggap ng dibidendo mula sa pamilya
Ellen Adarna, nakakatanggap ng dibidendo mula sa pamilya (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Kilala ang pamilya ni Ellen sa Cebu hindi lamang dahil sa kanyang pagiging artista. Mayroon silang mga negosyo doon kaya hindi imposible na kahit hindi na magtrabaho si Ellen ay kayang-kaya na niyang mabuhay mula sa pinapadalang dibidendo ng pamilya niya.

Ellen Adarna, nakakatanggap ng dibidendo mula sa pamilya
Ellen Adarna, nakakatanggap ng dibidendo mula sa pamilya (@maria.elena.adarna/IG Stories)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.

Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel