Ogie Diaz, dinipensahan ang umano'y nag-viral na batian nina Vice Ganda at Toni G

Ogie Diaz, dinipensahan ang umano'y nag-viral na batian nina Vice Ganda at Toni G

- Dinipensahan ni Ogie Diaz sina Vive Ganda at Toni Gonzaga na nagbatian sa Metro Manila Film Festival Parade

- Marami umano ang nagsasabing tila nagplastikan lang ang dalawa sa pagyakap at pagbesong nagawa nila

- Matatandaang isa si Vice sa mga in-unfollow ni Toni G sa kanyang Instagram, subalit si Vice ay naka -follow pa rin naman kay Toni Gonzaga

- Ani Ogie Diaz, magkaibigan naman ang dalawa na may parehong entry sa MMFF 2022

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay pahayag si Ogie Diaz ukol sa nag-viral na pagbati ni Vice Ganda kay Toni Gonzaga nang magkita sila sa Metro Manila Film Festival Parade na ginanap noong Disyembre 23.

Ogie Diaz, dinipensahan ang umano'y plastikan na batian nina Vice Ganda at Toni G
Photo: Ogie Diaz
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI trending sa TikTok ang maiksing video kung saan binati ni Vice si Toni, niyakap at bahagyang kinausap.

Hindi ito nakawala sa mata ng publiko na nagsasabing 'plastik' ang ginawa ng dalawang ito.

Read also

Joey de Leon; nasabing greatest legacy ang pagpapangalan niya sa 'Eat Bulaga'

"Hindi naman sila magkagalit Mrena... Hindi lang sila nagkaroon ng pagkakataon na magkita ng personal.Pero magkaibigan talaga sila. Hindi lang si Vice Ganda ang in-unfollow ni Toni Gonzaga nung kasagsagan ng kampanya. Maraming in-unfollow si Toni," ani Ogie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang na-unfollow ni Toni G si Vice sa kasagsagan ng Eleksyon 2022. Subalit si Vice, naka-follow pa rin post ni Toni.

"Kung ang ibang tao natutuwa sa kanilang pagbabatian, so be it. Kung ang ibang tao napaplastikan, sa pagbabatian ni Vice Ganda at ni TOni Gonzaga e opinyon din naman nila 'yun. So hayaan natin yun. Ang importante, hindi sila nag-away, nagbatian pa nga. So dapat matuwa na rin ang karamihan diyan," dagdag pa ni Ogie D.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel niyang Ogie Diaz Showbiz Update:

Read also

Na-feature sa KMJS na umano'y agad naghiwalay dahil sa "girl BFF", nagkabalikan na

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Sa isa sa mga episode ni Ogie D sa kanyang Showbiz Update channel, nakapanayam niya si Joshua Garcia na sinabing 'single' daw umano siya ngayon.

Aniya, nakakaramdam siya ng inggit sa umano'y showbiz couples na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde na pawang mga kasama niya sa Japan kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel