Joshua Garcia, namataang kasama umano si Bella Racelis sa Eraserheads concert

Joshua Garcia, namataang kasama umano si Bella Racelis sa Eraserheads concert

- Muli na namang nakitang magkasama umano si Joshua Garcia at kilalang vlogger na si Bella Racelis

- Ibinahagi ng iiisa ring concert goer ang video kung saan magkasama umano ang dalawa sa Eraserheads concert

- Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na makita ang dalawa na minsang nakunan pag naka-holding hands pa umano

- Minsan nang nabanggit ni Joshua Garcia na siya ngayo'y single gayung wala umano siyang partner nang magpunta ang kanilang barkada sa Japan kamakailan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi nakawala sa mga mapangmatyag na netizens ang muling pagsasama 'di umano nina Joshua Garcia at vlogger na si Bella Racelis.

Joshua Garcia, namataang kasama umano si Bella Racelis sa Eraserheads concert
Joshua Garcia (@garciajoshuae)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na may video umanong kumakalat ngayon kung saan ang dalawa ay kasama rin ng mga barkada ni Joshua na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Zanjoe Marudo at Ria Atayde sa concert ng Eraserheads noong Disyembre 22.

Read also

RR, napakomento sa viral OFW na sinurpresa pa ang ikakasal na ex na nakarelasyon ng 13 taon

Dahil dito, bigla umanong nabalikan ng mga netizens ang naging pahayag ni Joshua kamakailan na 'single' umano siya.

Ayon kay Joshua, isang patunay dito ay ang Japan trip nilang magkakaibigan kung saan siya lang umano ang walang partner doon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Nandun 'yung inggit pero sa'kin na lang 'yun di ba? Di mo kailangan sabihin 'yun. may mga times na maiinggit ka. Sarap sana ng may kayakap ka dito. Pero kasama mo 'yung mga kaibigan mo. Hindi sila 'yung PDA na nagyayakapan o ano. Parang as one kami. 'Di ko naramdaman na naiwan ako 'dun," kwento ni Joshua.

Gayunpaman, hindi ito ang unang beses na namataang magkasamang dalawa.Makailang beses na silang nakukunang ng video at larawan at mayroon pa ngang magka-holding hands pa ang mga ito.

Narito ang TikTok video ng dalawa mula kay (@kyleerobles)

Read also

Na-feature sa KMJS na umano'y agad naghiwalay dahil sa "girl BFF", nagkabalikan na

Si Joshua Garcia ay isang aktor at modelo sa bansa na produkto ng Pinoy Big Brother ng ABS-CBN. Naging karelasyon niya si Julia Barretto at kasalukuyan siyang bahagi ng hit TV series na Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Matapos ang hiwalayan nila noon ni Julia Barretto, wala pa ring ipinakikila si Joshua sa kung sino ang kanyang bagong nobya. Subalit tulad ng napapansin ng ibang netizen, nadadalas na makita umano ng marami na magkasama ni Joshua at Bella.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel