Source ni Cristy Fermin, sinabing dalawa lang umano silang nanood ng My Teacher sa sinehan

Source ni Cristy Fermin, sinabing dalawa lang umano silang nanood ng My Teacher sa sinehan

- Naranasan umano ng source ni Cristy Fermin na dalawa lang silang manood ng My Teacher sa sinehan

- Nabanggit niya ito matapos na kumpirmahin ni Romel Chika na siya mismo ang nakakita kung paano pilahan ang ibang MMFF movies maliban sa My Teacher

- Marami rin umano ang nagtaka sa sinapit ng pelikulang ito ni Toni na inaasahang papatok sa takilya

- Gayunpaman, baka naman makabawi umano si Toni sa gaganaping birthday concert niya sa January 20

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga napag-usapan sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! ang sinapit ng pelikulang 'My Teacher' ni Toni Gonzaga.

Source ni Cristy Fermin, naranasang dalawa lang silang nanood ng My Teacher sa sinehan
Toni Gonzaga at Joey De Leon para sa pelikulang My Teacher (@celestinegonzaga)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na naikwento ni Romel Chika ang nasaksihan niya mismo sa kanyang vlog nang mag-ikot siya sa mga sinehan ilang araw matapos na maipalabas ang mga pelikula sa Metro Manila Film Festival.

Read also

Ogie D sa dating interview niya sa Mclisse; "Dito pa lang, may na-sense na ako eh"

"Nasaksihan mismo ng dalawang mata ko. Na talagang sa dami-dami ng nakausap ko talaga, wala akong ni isang nakasalubong nanood nito," ayon kay Romel Chika.

Doon naman naikwento ni Cristy ang nai-text sa kanya tungkol din sa pelikula ni Toni.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Alam mo, meron nga tayong isang CFemer na nag-text na hindi raw siya nagulat masyado sa pelikulang Deleter. Ang ikinagulat daw niya ay noong nanood daw siya ng My Teacher, dadalawa lang sila sa sinehan," ani Cristy.

Aminadong kasama sila sa nagtataka umano kung ano ang nangyari at hindi tinangkilik ang pelikula gayung inaasahang milyon-milyon ang mga tagahanga at sumusuporta kay Toni.

"31 million, nasaan na sila ngayon?" ayon naman kay Wendell Alvarez.

"Ang tingnan mo ha, ilan ang subscribers niya? Ilan ang mga views ng kanyang mga vlog... milyon-milyon. Tapos hindi nag-translate sa takilya. 'Yun ang hinahanap ng ating mga kababayan," dagdag pa ni Cristy.

Read also

Vhong Navarro, haharapin muli ang kaso sa Pebrero ayon kay Cristy Fermin

Gayunpaman, hiling nilang makabawi naman si Toni sa kanyang gaganaping concert sa January 20.

"Ito ngayon ang gagawing barometer ng ating mga kababayan. Kung mapupuno niya pa rin ang Araneta Coliseum," pahayag pa ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na!:

Patuloy na namamayagpag ang kilala at batikang Showbiz writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Sa pinakahuling episode ng Showbiz Now Na! naibahagi ni Cristy na nagkaayos na umano ang mag-inang sina Nora Aunor at Matet De Leon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel