Ogie D sa dating interview niya sa Mclisse; "Dito pa lang, may na-sense na ako eh"

Ogie D sa dating interview niya sa Mclisse; "Dito pa lang, may na-sense na ako eh"

- Binalikan ni Ogie Diaz ang naging interview niya kina Elisse Joson at Mccoy de Leon

- Matatandaang ginanap pa ito sa First birthday ng baby nilang si Felize

- Ani Ogie, doon pa lang ay may napapansin na umano siya sa dalawa na panay ang tingin muna sa isa't isa bago sumagot

- Tila nangungusap kung maari ba nilang sabihin ang kanila talagang saloobin sa mga naging tanong sa kanila ni Ogie

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbalik-tanaw si Ogie Diaz sa naging panayam niya sa tambalang 'Mclisse' na binubuo nina Mccoy de Leon at Elisse Joson.

Ogie D, sa dating interview niya sa Mclisse; "Dito pa lang, may na-sense na ako eh"
Sina Elisse Baby Felize at Mccoy (@mccoydeleon)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na may napansin na umano si Ogie D sa naturang interview na ginanap sa first birthday ng anak ng Mclisse na si Felize.

'Dito pa lang, may na-sense na ako, eh" ani Ogie sa kanyang post.

Read also

Source ni Cristy Fermin, sinabing dalawa lang umano silang nanood ng My Teacher sa sinehan

Napansin niya umanong madalas ang tinginan ng dalawa na animo'y nangungusap sa kanilang isasagot sa mga naibabato niyang katanungan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Panay kasi ang tinginan. Tingin na asking for approval or kung okay lang yung sinabi nila sa isa’t isa," dagdag pa ni Ogie.

Matatandaang sa naturang interview, marami rin ang naging rebelasyon ng dalawa pagdating sa kanilang pagsasama.

Isa na rito ang hindi sana pagsang-ayon ni Elisse sa pagsasama bago ang kasal subalit dahil sa pagkakaroon na nila ng anak, kailangang magbago na umano siya ng mindset.

Nasabi rin niya ang tungkol sa selos na para sa kanya ay normal lamang sa isang relasyon na ang kahulugan ay ang pagmamahal niya pa rin kay Mccoy na ayaw niya noong mawala.

Subalit nabanggit din sa naturang panayam ang tungkol naman sa minsang nasabi na ni Elisse kay Mccoy na sakaling magloko ito, mawawala umano silang mag-ina sa buhay nito.

Read also

Ogie Diaz sa photos nina Charlie Dizon at Carlo Aquino: "Ako feeling ko, sila na"

Balikan ang naturang panayam na mula sa Ogie Diaz Inspires YouTube channel:

Si Elisse Joson ay isang Filipino actress, commercial model at brand endorser. Mas lalo siyang nakilala sa isang McDonald's ad noong 2016. Naging bahagi rin siya ng FPJ's Ang Probinsyano, The Good Son, Ngayon at Kailanman, at Sandugo.

Produkto rin siya ng isa sikat na reality show sa Pilipinas, ang Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya ang kanyang nobyong si McCoy De Leon.

Oktubre 31, 2021, ginulat ng 'McLisse' ang publiko sa kanilang rebelasyon na mayroon na silang Baby Girl.

Naroon muli sila sa bahay ni Kuya upang kunin na ninong si Big Brother ng kanilang baby Felize. Mula nang maganap ang rebelasyon, marami ang nagpahayag ng pagbati sa dalawa sa pagkakaroon ng super cute na baby girl.

Gayunpaman, sa pagbubukas naman halos ng taong 2023, kinumpirma ni Mccoy ang hiwalayan nila ni Elisse kung saan dinaan niya muna ito sa madamdaming mensahe para sa anak nilang si Felize.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel