McCoy de Leon, kinumpirma ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Elisse Joson

McCoy de Leon, kinumpirma ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Elisse Joson

- Sinabi ni McCoy de Leon na walang ibang tao na naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Elisse Joson

- Sa kanyang Instagram story ay sinabi ni McCoy ang tungkol dito, kasunod ng kanyang paghingi ng pasensya

- Ito ay sa gitna ng mainit na usap-usapan online kaugnay sa pagkakadawit ng isang babae sa umano'y paghihiwalay nila ni Elisse

- Lalong naging maigting ang usapin nang mag-post si McCoy ng mensahe para sa kanyang anak na si Felize

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay McCoy de Leon, walang ibang tao na dahilan ng paghihiwalay nila ni Elisse Joson. Sa unang pagkakataon ay diretsahan niyang nabanggit na hiwalay na nga sila ni Elisse.

McCoy de Leon, kinumpirma ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Elisse Joson
McCoy de Leon, kinumpirma ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Elisse Joson (@mccoydeleon)
Source: Instagram

Sa Instagram stories niya ay isa-isa niyang nilabas ang kanyang saloobin. Bago nito ay humingi siya ng dispensa sa lahat. Isang babae naman ang nadadawit sa hiwalayan nila. Matatandaang lalong naging maigting ang usapin nang mag-post si McCoy ng mensahe para sa kanyang anak na si Felize.

Read also

Rabiya Mateo, nakapundar ng 200-square meter na property para sa ina

"Wala po involve na ibang tao ang pinaka rason kaya kami naghiwalay. Sana po maniwala kayo."
McCoy de Leon, kinumpirma ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Elisse Joson
McCoy de Leon, kinumpirma ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Elisse Joson (@mccoydeleon/IG stories)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pinabulaanan niya rin ang tungkol sa kumalat na screenshot ng conversation.

"Hindi po totoo yung mga convo na kumakalat, hindi po ako yun. Pasensya na po ulit."

Aniya, dumating siya sa puntong sumuko siya sa sobrang bigat ng kanyang problema.

"Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko. Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat lang ng problema kaya po ako sumuko."

Si McCoy de Leon ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Hashtags ng noontime show na "It's Showtime". Naging bahagi din siya ng isang edisyon ng "Pinoy Big Brother" na naging daan para mas makilala siya at maipareha sa aktres na si Elisse Joson.

Read also

Zeinab Harake, inaming muntik na niyang i-delete ang kanyang YouTube channel

Matatandaang pinasalamatan ni McCoy si Elisse sa sorpresa nito sa kanya para sa kanyang kaarawan. Kalakip ng kanyang mga ibinahaging mga litrato ay ang kanyang mensahe para sa ina ng kanyang anak na si Felize. Sa kanyang mga binahaging pictures ay makikita ang kanilang naging pagdiriwang kasama ang iba pa niyang mga kapamilya at kaanak. Naroroon din ang kanyang mag-inang sina Elisse at Felize na kadalasang laman ng social media post ng aktor.

Matapos maging usap-usapan ang cryptic post ni Elisse kaugnay sa aniya'y paghihirap nila ng kanyang anak, nagbahagi din ng mensahe si Mccoy de Leon. Aniya, maya't-maya niya tinitingnan kung maayos ang kalagayan ng kanyang mag-ina. Kagaya ni Elisse, aniya ay wala na din siyang maayos na tulog ngunit aniya sana ay huwag silang sumuko. Dagdag pa ni McCoy, gagawin niya ang lahat para lang masigurong mapasaya at maprotektahan niya ang kanyang mag-ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel