McCoy de Leon, pinasalamatan si Elisse Joson sa birthday surprise nito

McCoy de Leon, pinasalamatan si Elisse Joson sa birthday surprise nito

- Pinasalamatan ni McCoy de Leon ang kasintahan na si Elisse Joson sa sorpresa nito sa kanya para sa kanyang kaarawan

- Kalakip ng kanyang mga ibinahaging mga litrato ay ang kanyang mensahe para sa ina ng kanyang anak na si Felize

- Sa kanyang mga binahaging pictures ay makikita ang kanilang naging pagdiriwang kasama ang iba pa niyang kapamilya at kaanak

- Naroroon din ang kanyang mag-inang sina Elisse at Felize na kadalasang laman ng social media post ng aktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang madamdaming mensahe ang binahagi ni McCoy de Leon para sa kanyang pasasalamat sa kasintahan si Elisse Jososn. Kaugnay ito sa inihanda niyang sorpresa para sa kaarawan ni McCoy.

McCoy de Leon, pinasalamatan si Elisse Joson sa birthday surprise nito
McCoy de Leon at Elisse Joson (@mccoydeleon)
Source: Instagram

Bukod sa kanyang effort para sa sorpresa nito, pinasalamatan ni McCoy si Elisse sa pagmamahal umano nito sa pamilya ni McCoy.

Read also

Ion Perez, pinasilip ang bonggang birthday celebration ng kanyang Nanay Zeny

All the efforts, preparations, time mo lahat lahat @elissejosonn ko dahil diyan lalo kang gumanda sa paningin ko. Hindi lang sa pisikal Elisse ko kundi kagandahan ng puso mo. Isa na ang pagmamahal mo sa pamilya ko. Salamat :))

Aniya, hindi sapat ang post na iyon para sabihin niya ang kanyang gustong sabihin sa ina ng kanyang anak. Gayunpaman, pinasalamatan niya ito sa huling bahagi ng kanyang mensahe.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami akong gustong sabihin pero hindi sapat tong post na to. Salamat Mahal ko mahal kita sobra

Bumuhos naman ang pagbati sa aktor at marami ang kinilig sa dalawa na kahit may anak na ay kinakikiligan pa rin ng marami:

As a forever fan of MCLISSE and with Felize de Leon. we're so happy and proud we really believe that God's ways and plan to have you together as one and now you have a little family for keeps and forever

Read also

Amy Perez, emosyonal na pinasalamatan si Ion Perez sa pagmamahal nito kay Vice Ganda

Happy Birthday, McCoy! You deserved it. Continue to love each other ni @elissejosonn and enjoy your little Felize

Si McCoy de Leon ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Hashtags ng noontime show na "It's Showtime". Naging bahagi din siya ng isang edisyon ng "Pinoy Big Brother" na naging daan para mas makilala siya at maipareha sa aktres na si Elisse Joson.

Nabuo ang tambalang McLisse nang sumali sila parehas sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016.

Kaya naman lalong dumami ang mga proyektong ginawa nilang magkasama. Sa katunayan, isang 5-storey building ang napundar ni McCoy. Nagkaroon din siya ng negosyo sa Dapitan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel