Rabiya Mateo, nakapundar ng 200-square meter na property para sa ina

Rabiya Mateo, nakapundar ng 200-square meter na property para sa ina

- Naibahagi ni Rabiya Mateo na nakapagpundar na siya ng bahay para sa kanyang nanay sa Iloilo

- May lawak na 200-square meter ang property na kanyang nabili para sa ina na aniya ay deserve ng kanyang nanay

- Bukod pa dito ay patuloy pa rin siyang tumutulong sa pamamagitan ng kanyang charity works

- Hindi rin umano siya mahilig mamili ng mga branded at mamahaling mga gamit bagkus mas gusto niyang i-invest ang kanyang pera

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Rabiya Mateo, deserve ng kanyang ina ang napundar niyang bahay sa Iloilo. Sa panayam ng 24 Oras sa kanya, naibahagi niyang may lawak na 200-square meter ang property na kanyang nabili para sa ina.

Rabiya Mateo, tinupad ang pinangakong bahay sa kanyang ina
Rabiya Mateo, tinupad ang pinangakong bahay sa kanyang ina (@rabiyamateo)
Source: Instagram

Aniya, sa maraming taon na sila ang prayoridad ng kanyang ina, panahon naman na siya ang makaranas ng magandang buhay.

Read also

Zeinab Harake, inaming muntik na niyang i-delete ang kanyang YouTube channel

“Deserve niya po eh. Ilang years din siya nagsakripisyo for me. Ilang years din siya hindi nakabili ng bagong damit kasi iba ‘yung priority niya pero this time, it’s my time na to give back,”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Rabiya Mateo ay kumatawan sa lungsod ng Iloilo City sa Miss Universe Philippines pageant na ginanap noong October 24, 2020. Isa si Rabiya sa mga kandidatang may pinakamaraming followers sa Instagram kahit noong nagsisimula pa lamang ang kompetisyon. Sa katunayan ay umabot na ang kanyang followers sa Instagram sa mahigit isang milyon at pinagpasalamat ito ni Rabiya kamakailan.

Matatandaang isang cryptic post ang binahagi ni Rabiya sa kanyang Instagram post na talaga namang naging usap-usapan. Hindi na nito binanggit kung ano ang kanyang pinagdadaanan ngunit bumuhos ang mensahe ng pagsuporta sa kanya. Sa isa sa kanyang sagot sa mga mensahe sa kanya, sinabi niyang kailangan niya ng virtual hug. Matatandaang kamakailan lang inamin nina Rabiya at ng kanyang boyfriend na si Jeric Gonzales ang tungkol sa kanilang relasyon.

Samantala, ikinuwento ni Cristy Fermin ang tungkol sa aniya'y naging relasyon ni Jeric sa isang mayamang businessman na aniya'y "trinabaho" nang husto ng aktor. Pinaalis umano ng asawa ng businessman sina Jeric kasama ang kanyang pamilya na nakatira sa isang bahay ng mag-asawa. Ani Nay Cristy, alam niyang may tampo si Jeric sa kanya ngunit mas gugustuhin umano niyang magalit sa kanya si Jeric dahil hindi niya pinaniniwalaan ang umano'y 'kasinungalingan' nito. Matatandaang kamakailan ay may mga malisyosong mga litrato ang aktor kung saan may kasama siyang isang lalaki.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel