Zeinab Harake, inaming muntik na niyang i-delete ang kanyang YouTube channel

Zeinab Harake, inaming muntik na niyang i-delete ang kanyang YouTube channel

- Nabanggit ni Zeinab Harake na muntik na umano niyang burahin ang kanyang YouTube channel

- Ito ay dahil umano sa pagiging toxic na umano ng media para sa kanya sa dami ng kanyang pinagdaanan

- Subalit malaking bagay ang pagsuporta sa kanya ng kanyang mga Zebbies na siyang dahilan umano ng pagpapatuloy na mapasaya ang mga ito

- At ngayong 2023 nga ay labis na niyang pinaghahandaan ang mga video na ihahain sa kanyang subscribers na pawang mga inspirasyon din niya upang magpatuloy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Zeinab Harake na minsan nang sumagi sa isip na burahin ang kanyang YouTube channel.

Zeinab Harake, inaming muntik na niyang i-delete ang kanyang YouTube channel
Photo: Zeinab Harake
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa kanyang pagbabalik-tanaw sa mga kaganapan sa kanyang 2022, aminado siyang mahirap ang kanyang mga pinagdaanan lalo na at ito ang taon kung kailan siya naging single mom.

Read also

Source ni Cristy Fermin, sinabing dalawa lang umano silang nanood ng My Teacher sa sinehan

Dahil dito, inamin niyang muntik na talaga niyang i-delete na lamang ang kanyang channel.

"Meron akong moment na gusto kong i-delete 'yung channel ko. Talaga! Sabi ko, ayaw ko ng media.. Sobrang toxic na nito. Hindi ko na alam paano i-explain ng paulit-ulit 'yung sarili ko."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Subalit dahil na rin sa kanyang mga Zebbies na patuloy siyang sinusuportahan, itinuloy pa rin niya ang paggawa ng mga content.

"Mula noong 2019 hanggang sa nagstay kayo noong 2022, maraming-maraming salamat. HIndi niyo alam kung paano ko kayo tinignan nung mga times na gusto kong sumuko."

"Kung hindi dahil sa inyo, this 2023 wala na kayong videos na mapanood," dagdag pa ni Zeinab.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel.

Read also

Rabiya Mateo, nakapundar ng 200-square meter na property para sa ina

Sa mga huling vlogs niya noong 2022, ipinakita ni Zeinab ang pagpapahalaga sa sarili lalong-lalo na rin sa kanyang pamilya. Hindi tulad ng mga nagdaang taon kung saan ilan din ang mga masuwerteng napili na tulungan ni Zeinab. Mas ibinuhos niya ang kanyang pamamahagi sa kanyang mga kaibigan at mga mahal sa buhay. Subalit, hindi pa rin ito nakalimot na magbahagi ng kanyang biyaya lalo na sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong sa mismong araw ng kapaskuhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel