Zeinab Harake, nakasama si Xian Gaza sa kanyang Christmas shopping sa Thailand

Zeinab Harake, nakasama si Xian Gaza sa kanyang Christmas shopping sa Thailand

- Ibinahagi ni Zeinab Harake ang 24 hours Christmas Shopping niya sa Thailand

- Bukod sa kanyang kapatid na si Rana at ilan sa kanyang team, nakasama rin nito si Xian Gaza

- Nakadagdag ng saya si Xian sa pamimili ni Zeinab dahilan sa kulitan nilang dalawa

- Nagbiro pa si Zeinab na destiny umano na nagkita muli sila ng kaibigang tinatawag niyang "Gaza"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong vlog ni Zeinab Harake, ipinakita niya ang masayang Christmas shopping experience niya sa Thailand.

Zeinab Harake, nakasama si Xian Gaza sa kanyang Christmas shopping sa Thailand
Zeinab Harake at si Xian Gaza (Zeinab Harake)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na tila dumayo pa si Zeinab sa Bangkok upang mamili ng mga pamasko sa mga mahal niya sa buhay.

Aniya, hindi na niya kasi ito magawa dito sa Pilipinas lalo na at marami na talaga ang nakakikilala sa kanya.

Mula sa mga mamahaling mga regalo para sa kanyang mga magulang at kaibigan hanggang sa pamimili niya ng mga para sa anak at pamangkin niya, sobrang na-enjoy ni Zeinab.

Read also

Zeinab Harake, sumang-ayon sa post ni Donnalyn Bartolome tungkol sa di pakikipagbalikan sa ex

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

At lalong nakadagdag sa masayang vlog niyang ito ay ang pagdating din ng social media personality na si Xian Gaza.

Marami ang natuwa sa kulitan ng dalawa lalo na at naaya niya si Xian na samahan sila nito sa tiangge o night market.

"'Yun yung tinatawag na destiny... Destiny na magkakasama tayo today," pabirong nasabi ni Zeinab bago sila magtungo sa airport pabalik ng Pilipinas.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Zeinab Harake:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.2 million subscribers sa kanyang channel.

Kamakailan naging kontrobersyal si Zeinab matapos na umano'y isiwalat ni Wilbert Tolentino ang ilan sa mga screenshots ng kanilang naging pag-uusap tungkol umano sa mga kapwa nila vloggers.

Gayunpaman, tila unti-unti nang nakakabangon sa kontrobersiya si Zeinab matapos na ipakita ang masasaya niyang ginagawa kamakailan tulad ng food trip sa Ugbo, pagbili ng bagong sasakyan at gayundin ang kanilang Dubai trip kasama ang kanyang kapatid na si Rana.

Read also

Andrew Schimmer, ipinakitang hawak ang kamay ng misis sa mga huling sandali nito

Kamakailan, ipinakita ni Zeinab ang kanyang Christmas decorations sa kanilang bahay. Maging ang anak niyang si Bia ay super nag-enjoy sa kinalabasan ng mga dekorasyon lalo na ang giant Santa Claus.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel