Zeinab Harake, sumang-ayon sa post ni Donnalyn Bartolome tungkol sa di pakikipagbalikan sa ex

Zeinab Harake, sumang-ayon sa post ni Donnalyn Bartolome tungkol sa di pakikipagbalikan sa ex

- Sinang-ayunan ni Zeinab Harake ang tweet ng kaibigan niyang si Donnalyn Bartolome

- Tungkol ito sa pagdiriwang ng Pasko nang hindi nakikipagbalikan sa kanyang ex

- Pabirong sinagot ito ni Zeinab ng "Me too mama!" na nauso dahil sa viral na video ng mag-iinang Melai, Stella at Mela Francisco

- Marami naman sa mga tagahanga niya ang tila natuwa at suportado ang desisyon na ito ni Zeinab

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ani Zeinab Harake, kagaya ng kaibigan niyang si Donnalyn Bartolome ay magpapasko din siyang hindi nakikipagbalikan sa kanyang ex. Marami naman sa mga tagahanga niya ang tila natuwa at suportado ang desisyon na ito ni Zeinab.

Zeinab Harake, sumang-ayon sa post ni Donnalyn Bartolome tungkol sa di pakikipagbalikan sa ex
Zeinab Harake, sumang-ayon sa post ni Donnalyn Bartolome tungkol sa di pakikipagbalikan sa ex (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Sinagot ni Zeinab ang tweet ni Donna tungkol dito sa pamamagitan ng pabirong pagsagot ng ng "Me too mama!" na nauso dahil sa viral na video ng mag-iinang Melai, Stella at Mela Francisco.

Read also

Zeinab Harake, nakasama si Xian Gaza sa kanyang Christmas shopping sa Thailand

Ilang beses na ring nabanggit ni Zeinab na hindi na siya makikipagbalikan sa kanyang ex. Matatandaan kasi na noong hindi pa sila nagkaanak ni Skusta Clee ay ilang beses din silang naghiwalay at nagkabalikan. Sa isa sa kanyang vlog ay nasabi niya pa sa kanyang mga subscriber na i-unsubscribe daw siya pag naging marupok pa siya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Matatandaang matapos lumabas ang video ni Wilbert Tolentino ay dumipensa si Zeinab sa mga nilabas na screenshot ni Wilbert laban sa kanya. Ani Zeinab, cropped ang mga nilabas na conversation ni Wilbert kaya hindi umano nailabas ang kabuuan ng kanyang sinabi. Inisa-isa niyang nilinaw ang mga nilabas na screenshot ni Wilbert na umano ay mga nasabi niya laban sa mga sikat na vloggers. Hiling naman ni Zeinab na tigilan na lang ang gulo at huwag na siyang ididikit sa grupo nina Wilbert para matapos na ang gulo.

Nilinaw naman ni Zeinab na bago siya nag-live sa Facebook ay tinawagan niya ang mga taong nadawit sa video na nilabas ni Wilbert. Kinausap at nilinaw niya umano sa mga taong nasangkot ang tungkol sa mga lumabas na screenshot na ayon sa kanya ay kulang na dahil cropped umano ang mga ito. Kabilang sina Ivana Alawi at Alex Gonzaga sa kanyang mga tinawagan kaugnay dito at nagkaintindihan umano sila. Maging sa kanyang video ay humingi si Zeinab ng dispensa sa mga taong nadamay pa umano.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel