Andrew Schimmer, ipinakitang hawak ang kamay ng misis sa mga huling sandali nito

Andrew Schimmer, ipinakitang hawak ang kamay ng misis sa mga huling sandali nito

- Agad na naglabas ng maiksing video si Andrew Schimmer patungkol sa detalye ng pagpanaw ng kanyang misis na si Jorhomy Rovero

- Kasalukuyang nasa taping ng 'Family Feud' sa GMA si Andrew nang makatanggap ito ng tawag mula sa ospital kung saan naroon si Jho

- Ni-revive pa ng mga doktor ang kanyang misis subalit tuluyan nang namahinga ang katawan nito

- Ipinakita ni Andrew na sa huling sandali, hawak pa rin niya ang kamay ng pinakamamahal niyang asawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isang emosyonal ngunit matapang na Andrew Schimmer ang makikita sa maiksing video na kanyang ibinahagi sa kanyang Facebook page.

Andrew Schimmer, ipinakitang hawak ang kamay ng misis sa mga huling sandali nito
John Andrew Schimmer
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na agad na kinumpirma ni Andrew ang umano'y pagpanaw ng misis nitong si Jorhomy Rovero.

Sa video, idinetalye ni Andrew ang huling sandali ng misis na mahigit isang taon ding nakipaglaban sa kanyang naging karamdaman.

Read also

Zeinab Harake, sumang-ayon sa post ni Donnalyn Bartolome tungkol sa di pakikipagbalikan sa ex

"Ibabalita ko sa inyo ang pinakamalungkot, saka pinaka-worst na balitang pwede niyong marinig," bungad ni Andrew.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sinabi niyang nasa taping siya ng Family Feud ng GMA na kanyang iniwan nang makatanggap ng tawag mula sa ospital kung saan naroon ang kanyang misis.

Bigla umanong nawala ang BP ni Jho dahilan para dali-daling makapunta si Andrew sa ospital.

Naabutan pa umano niya itong nire-revive subalit tuluyan na itong namayapa.

Mas lalong napahagulhol ng iyak si Andrew nang sabihing ngayong Disyembre 20 ang kaarawan ng kanilang bunsong anak na hindi na umano naabutang buhay ang mommy nila.

At bago nga matapos ang video, ipinasilip ni Andrew sa huling pagkakataon ang kamay ni Jho na hawak pa rin niya sa huling pagkakataon.

Narito ang kabuuan ng post:

Read also

Andrew Schimmer sa pagpanaw ng misis: "Inabutan natin siyang nire-revive"

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na gumawa ng ingay sa social media nang lakas-loob na humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia.

Kamakailan, tila nagpahiwatig si Andrew ng kasal kay Jho nang ipakita niya ang larawan ng singsing at ilang emojis na patungkol sa kasalan.

Ilan minuto bago nga kinumpirma ni Andrew ang pagpanaw ng misis, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel