Andrew Schimmer, tila nagpahiwatig umano ng kasal sa misis; "very very soon"

Andrew Schimmer, tila nagpahiwatig umano ng kasal sa misis; "very very soon"

- Tila nagpahiwatig ng kasal ang aktor na si Andrew Schimmer sa misis na si Jorhomy Rovero

- Sa kanyang bagong post, makikita ang dalawang mga singsing

- May caption pa ito na 'very very soon' na labis na nagpasabik sa kanilang mga tagasubaybay

- Nito lamang Nobyembre 1, sumapit ang ikaisang taon ni Jho sa kanyang kalagayan dahilan para siya ay manatili sa ospital

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agaw-eksena sa social media ang post ng actor-model na si Andrew Schimmer kung saan dalawang singsing ang ibinida nito.

Andrew Schimmer, tila nagpahiwatig umano ng kasal sa misis; "very very soon"
Andrew Schimmer (The Schimmers)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na tila marami ang na-excite at natunaw ang puso sa post na ito ni Andrew na handang pakasalan ang misis na si Jorhomy Rovero sa kabila ng kalagayan nito.

"We will not wait anymore for the right moment to come…by GOD’s grace it will HAPPEN... very very soon"

Read also

Misis ni Andrew Schimmer, bumuti na ang lagay; "may tensyon lang ng konti pero all good"

Sa kanyang post, makikita ang dalawang singsing kasama ng mga emoji ng simbahan, bell, couple at iba pa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil dito, inulan agad ng pagbati ang post na ito ni Andrew at halos lahat ay naghahangad na tuluyan nang gumaling ang misis nito na si Jho upang mas maging masaya ang kanilang pag-iisang dibdib na matagal na umano nilang inaasam.

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na gumawa ng ingay sa social media nang lakas-loob na humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia.

Kamakailan, ibinalik ang kanyang misis sa ospital na noon sana'y mananatili na lamang sa kanilang tahanan upang doon magpagaling. Nilagnat at nagsuka umano ito dahil sa pagtaas ng sodium level nito sa katawan.

Read also

Xian Gaza, pinayuhan si Vhong Navarro: "Gayahin mo ako... Madidiin ka lang diyan"

Dito inabot na muli si Jho ng ika-isang taon nito sa kanyang kalagayan. Umaasa ang marami na patuloy na ang paggaling ni Jho dahil na rin sa kamangha-manghang pag-aalaga sa kanya ng mister at ng kanyang pamilya.

Inalay naman ni Andrew kay Jho ang natanggap niyang Asia's Most Inspiring actor and Model of the Year mula sa 6th Asia-Pacific Luminare Award na ginanap noong Nobyembre 23 sa Okada, Manila. Dumiretso talaga siya sa ospital upang ialay ito kay Jho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel