Andrew Schimmer, inalay ang Most Inspiring Actor award niya sa misis na si Jho

Andrew Schimmer, inalay ang Most Inspiring Actor award niya sa misis na si Jho

- Natanggap na ni Andrew Schimmer ang kanyang award bilang Asia's Most Inspiring actor and Model of the Year

- Ginanap ang seremonya sa Okada Grand Ballroom noong Nobyembre 23

- Matapos ang event, agad na nagtungo si Andrew sa kanyang misis na nasa ospital upang ipakita at ialay ang naturang award

- Kamakailan, ibinahagi ni Andrew ang umano'y mga good news sa kanyang misis na patuloy pa ring lumalaban sa isang taon na nitong karamdaman

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Personal nang natanggap ni Andrew ang karawangalan bilang Asia's Most Inspiring actor and Model of the Year mula sa 6th Asia- Pacific Luminare Award na ginanap noong Nobyembre 23 sa Okada, Manila.

Andrew Schimmer, inalay ang Most Inspiring actor award niya sa misis na si Jho
Andrew Schimmer (John Andrew Schimmer)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na halos hindi makapaniwala si Andrew sa natanggap na karangalan kahit pa marami ang nagsasabing deserve niya sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaraanan ng kanilang pamilya.

Read also

Ogie D, nabanggit kay Xander Ford ang 'attitude' nito noon na siya mismo ang nakasaksi

Hindi rin niya nakalimutan ang misis na si Jorhomy Rovero na siyang inalayan niya ng nakamit na award.

"Para sa'yo to Love ko, kaya ako may award," ani Andrew nang dumiretso siya mula sa awarding ceremony patungo sa ospital kung saan nakaratay pa rin umano ang kanyang misis.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, ibinalita naman kamakailan ni Andrew ang ilang 'good news' sa kalagayan ng asawa na patuloy na lumalaban sa kanyang kalagayan. Mula sa ICU ay nailipat na umano ito sa regular room.

Matatandaang naiuwi na noong Okttubre si Jho sa kanilang tahanan subalit makalipas lamang ang ilang araw, kinailangan na nitong ibalik sa ospital.

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa bansa na gumawa ng ingay kamakailan sa social media nang lakas-loob na humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na agad namang sinundan ng brain hypoxia.

Read also

Cristy Fermin sa mga video ni Alex Gonzaga: "kinakapos na po talaga sa content"

Kamakailan, ibinalik ang kanyang misis sa ospital na noon sana'y mananatili na lamang sa kanilang tahanan upang doon magpagaling. Nilagnat at nagsuka umano ito dahil sa pagtaas ng sodium level nito sa katawan.

Dito inabot na muli si Jho ng ika-isang taon nito sa kanyang kalagayan. Umaasa ang marami na patuloy na ang paggaling ni Jho dahil na rin sa kamangha-manghang pag-aalaga sa kanya ng mister at ng kanyang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel