Andrew Schimmer sa pagpanaw ng misis: "Inabutan natin siyang nire-revive"

Andrew Schimmer sa pagpanaw ng misis: "Inabutan natin siyang nire-revive"

- Sa isang maiksing video, idinetalye ni Andrew Schimmer ang pagnanaw ng misis niyang si Jorhomy Rovero

- Kasalukuyan umano siyang nasa taping sa GMA nang bigla siyang nakatanggap ng tawag mula sa ospital kung saan nakalagak ang misis

- Naabutan pa niyang nire-revive ang misis ng mga doktor at nurses subalit tuluyan na itong namaalam

- Nakadagdag pa umano sa sakit na nararamdaman nila ngayon ay nataon pang kaarawan ito ng kanilang bunsong anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas ng maiksing video si Andrew Schimmer patungkol sa pagpanaw ng misis niyang si Jorhomy Rovero.

Andrew Schimmer sa pagpanaw ng misis; "Inabutan natin siyang nire-revive"
John Andrew Schimmer
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na una munang inilabas ni Andrew ang larawan ng kanila umanong mga kamay na may couple ring.

Hindi nagtagal, naglabas ng maiksing video si Andrew na kinukumpirma ang pagpanaw ni Jho.

Aniya, kasalukuyan siyang nasa taping sa GMA nang makatanggap ng tawag mula sa St. Luke's kung saan nakalagak ang misis.

Read also

Zeinab Harake, sumang-ayon sa post ni Donnalyn Bartolome tungkol sa di pakikipagbalikan sa ex

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi siya nagdalawang-isip na lisanin ang taping nainihingi naman niya ng dispensa sa network.

"Inabutan natin siyang nire-revive ng mga doctors at nurses. They did evertyhing they could," emosyonal na sinabi ni Andrew.

Ang masaklap pa umano sa nangyari, kaarawan ng kanilang bunsong anak ngayon na hindi na inabutang buhay ang ina.

"Ang sakit lang, birthday ng bunso namin mamaya... Hindi siya inabutan nung bunso namin," naluluha nang sinabi ni Andrew.

Patuloy pa rin ang pasasalamat niya sa mga taong hindi umano sila iniwan mula umpisa hanggang sa huling oras ng misis niyang si Jho.

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na gumawa ng ingay sa social media nang lakas-loob na humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia.

Read also

Zeinab Harake, nakasama si Xian Gaza sa kanyang Christmas shopping sa Thailand

Kamakailan, ibinalik ang kanyang misis sa ospital na noon sana'y mananatili na lamang sa kanilang tahanan upang doon magpagaling. Nilagnat at nagsuka umano ito dahil sa pagtaas ng sodium level nito sa katawan.

Dito inabot na muli si Jho ng ika-isang taon nito sa kanyang kalagayan. Umaasa ang marami na patuloy na ang paggaling ni Jho dahil na rin sa kamangha-manghang pag-aalaga sa kanya ng mister at ng kanyang pamilya.

Inalay naman ni Andrew kay Jho ang natanggap niyang Asia's Most Inspiring actor and Model of the Year mula sa 6th Asia-Pacific Luminare Award na ginanap noong Nobyembre 23 sa Okada, Manila. Dumiretso talaga siya sa ospital upang ialay ito kay Jho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel