Zeinab, pasok sa top 3 YouTubers ng 2022; pinasalamatan ang kanyang mga Zebbies

Zeinab, pasok sa top 3 YouTubers ng 2022; pinasalamatan ang kanyang mga Zebbies

- Pinasalamatan ni Zeinab Harake ang kanyang mga Zebbies gayung pasok pa rin siya sa top Youtubers sa bansa

- Dalawang taon umanong Top 2 Pinoy content creator si Zeinab subalit malaki pa rin ang pasasalamat niyang pasok pa rin siya sa Top 3

- Kasama naman sa top trending videos ng 2022 ang vlog niya sa first birthday ng anak na si Bia

- Dahil dito, labis-labis ang pasasalamat niya sa kanyang mga Zebbies

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Labis-labis ang pasasalamat ni Zeinab Harake matapos na tanghalin siya bilang isa sa mga Top YouTube content creators sa bansa.

Zeinab, pasok sa top 3 YouTubers ng 2022; pinasalamatan ang kanyang mga Zebbies
Zeinab Harake kasama ang kanyang baby Bia (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na top 3 si Zeinab sa mga YouTubers sa Pilipinas na sinundan naman ng kanyang kaibigan na si Ivana Alawi na nakamit ang ikaapat na pwesto.

"Favorite vlog this 2022... 'Oy top 3 tayo ha. Two years akong nag-top 2 tapos nag-top 3 ngayon, Okay lang at least nandodoon pa rin tayo sa tatlo na 'yun, So thank you Zebbies," aniya.

Read also

Ogie D sa dating interview niya sa Mclisse; "Dito pa lang, may na-sense na ako eh"

Pasok naman ang vlog ng first birthday ng anak niyang si Bia sa top trending videos from the Philippines. Masasabing paborito rin niya talaga itong vlog dahil matatandaang halos kakakumpirma lang niya noon ng hiwalayan sa ama ni Bia na si skusta Clee.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kaya naman aminado si Zeinab na hindi niya alam kung paano nairaos ang napakagandang party ni Bia na siya lamang ang naging punong abala.

"Sobrang laki 'nung event na 'yun, sobrang laki nung vlog nun pero kinaya ko. May mga breakdown moments ako 'dun ah. As in hindi na lang pinakita sa vlog pero talagang 'pag may magme-message sa anak ko, nagbe-breakdown talaga ako so buti na-cut lahat 'yun"
"'Yun talaga 'yung favorite ko kasi 'dun ko nasabi na strong ako this 2022 kasi nagawa ko 'yung first birthday ng anak ko kahit na may mga hindi magandang nangyari sa'min before that."

Read also

Ivana Alawi, favorite new friend ng 2022 ni Zeinab Harake

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa pinakabago niyang vlog sa kanyang YouTube channel na Zeinab Harake:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel.

Sa mga huling vlogs niya noong 2022, ipinakita ni Zeinab ang pagpapahalaga sa sarili lalong-lalo na rin sa kanyang pamilya. Subalit, hindi pa rin ito nakalimot na magbahagi ng kanyang biyaya lalo na sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel