Zeinab Harake, naging mas maingat noong 2022: "Nakipag-date ho ako kung alam niyo lang"

Zeinab Harake, naging mas maingat noong 2022: "Nakipag-date ho ako kung alam niyo lang"

- Naikwento ni Zeinab Harake ang tungkol sa pakikipag-date niya noong 2022

- Aniya, sinubukan niyang kumilala ng ibang mga tao partikular na ang mga naka-date niya subalit naging mas maingat umano siya

- Kung alam niyang may mga bagay na silang hindi mapagkasunduan, hindi na muli siya nagbibigay pa ng motibo

- Matatandaang noong nakaraang taon tuluyan nang tinapos ni Zeinab ang relasyon niya kay Skusta Clee, ang ama ng kanyang anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pagbabalik-tanaw niya sa kanyang 2022, naikwento ni Zeinab na sumubok siyang makipag-date at kumilala ng ibang tao.

Zeinab Harake, naging mas maingat noong 2022; "Nakipag-date ho ako kung alam niyo lang"
Zeinab Harake (Zeinab Harake YouTube Channel)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na naging mas maingat lamang umano ngayon si Zeinab base na rin sa nagdaan niyang relasyon sa rapper na si Skusta Clee.

"Nakipag-date ho ako kung alam niyo lang. Nakikipag-date naman ako. Sinusubukan ko kumilala ng ibang tao. Per this 2022 natutunan ko, lalo na nung past relationship ko na long term kami at may alam niyo na, 'yung mga bagong dumating na guys this 2022 na kaka-date ko pa lang, nakakasama ko pa lang... 'Pag may nakikita akong ekis hindi na ako nagiging marupok, hindi na ako humahabol, hindi na ako nagpapakita ng motibo," paliwanag ni Zeinab.

Read also

Ivana Alawi, favorite new friend ng 2022 ni Zeinab Harake

"So kaya hindi nagwo-work, kapag may nakikita na ako na toxic na bagay tapos ipu-push ko pa, ayokong mangyari yung nangyari sa past relationship ko na kakapilit ko ng kakapilit na maayos e hindi naman don papunta talaga. Nasisira rin agad. So kada may mami-meet ako ngayon tapos hindi talaga compatible kaming dalawa, nagdedesisyon na ako na cut off na kaagad," dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ito raw ang maituturing niyang mahalagang desisyon na nagawa noong nakaraang taon at proud siya na nagawa niya ito.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula mismo sa kanyang YouTube channel na Zeinab Harake:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.2 million subscribers sa kanyang channel.

Sa mga huling vlogs niya noong 2022, ipinakita ni Zeinab ang pagpapahalaga sa sarili lalong-lalo na rin sa kanyang pamilya. Subalit, hindi pa rin ito nakalimot na magbahagi ng kanyang biyaya lalo na sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel