Ivana Alawi, favorite new friend ng 2022 ni Zeinab Harake

Ivana Alawi, favorite new friend ng 2022 ni Zeinab Harake

- Wala raw iba kundi si Ivana Alawi ang favorite new friend ni Zeinab Harake na nakilala niya noong 2022

- Matatandaang ilang collaboration videos din ang kanilang nagawa kung saan nabuo ang kanilang unexpected friendship

- Ani Zeinab, tila nakahanap umano sila ng kapareha sa isa't isa lalo na pagdating sa kanilang mga ugali

- At ang tanging pinagtatalunan lang nila ni Ivana ay ang bill sa kung sino ang magbabayad sa tuwing sila'y nagkakasama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Si Ivana Alawi ang napiling favorite new friend noong 2022 ni Zeinab Harake.

Ivana Alawi, favorite new friend ng 2022 ni Zeinab Harake
Zeinab Harake and Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa ilang mga collab videos ng dalawa, nabuo ang hindi nila inaasahang pagkakaibigan.

"'Yung friend na dumating sa akin this 2022 na favorite ko, walang iba kundi si Ivana. Si Ivana talaga kasi hindi ko inexpect 'yung friendship na nabuo sa'min e after ng mga collabs namin and isa rin yun sa mga nagka-issue sa'kin. Pero buti na lang, before that napag-usapan namin kasi may before kaming issue, pinag-usapan namin ng private. Kaya naman nung nagka-issue ako hindi ko inexpect na isa siya sa talagang nandidiyan. Ipinaramdam niya sa akin na nadito ako, na naiintindihan kita, I got you, tapos na 'yun and everything," paliwanag ni Zeinab.

Read also

Daniel Miranda, naghayag ng pagmamahal niya para sa kanyang mag-ina

Aniya, masaya siyang nakakasama si Ivana na para sa kanya'y kapareha niya talaga.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"And hindi lang 'yun. Kapag magkasama kaming dalawa, ang saya saya ko. Kasi parang ka-pair kaming dalawa. Parang nakahanap kami ng kaparehas namin sa isa't isa. 'Yung ugali ba. Ang lagi naming pinag-aawayan ay bill kung alam niyo lang... Kaya mahal na mahal kita mi, alam mo 'yan sis."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanyang YouTube channel na Zeinab Harake:

Kamakailan ay naka-bonding naman ni Zeinab si Ivana Alawi sa Baguio. Isa lamang ito sa mga naging lakad nina Zeinab at Ivana matapos ang kontrobersyal na rebelasyon ni Wilbert Tolentino.

Samantala, si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.2 million subscribers sa kanyang channel.

Siya ang tinanghal bilang top 3 YouTube content creator ng 2022 na sinundan naman ng kanyang kaibigang si Ivana na nakuha ang ikaapat na pwesto.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel