Daniel Miranda, naghayag ng pagmamahal niya para sa kanyang mag-ina

Daniel Miranda, naghayag ng pagmamahal niya para sa kanyang mag-ina

- Nag-post si Daniel Miranda ng picture ng kanyang mag-inang sina Sofia Andres at Zoe sa kanyang Instagram stories

- Dito ay inihayag niya ang kanyang pagmamahal sa kanyang mag-ina 'through thick and thin'

- Marami naman ang natuwa na makita ito dahil sa espikulasyong maging sila ay naghiwalay na rin

- Nagsimula ang usap-usapan tungkol sa kanila nang magpost sila ng picture noong Pasko at Bagong Taon nang hindi magkasama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inihayag ni Daniel Miranda ang pagmamahal niya sa kanyang mag-inang sina Sofia Andres at Zoe. Sa kanyang binahaging picture ng mag-ina kalakip ng kanyang caption na "Through thick and thin, I love you both very much."

Daniel Miranda, naghayag ng pagmamahal niya para sa kanyang mag-ina
Daniel Miranda, naghayag ng pagmamahal niya para sa kanyang mag-ina (@iamsofiaandres)
Source: Instagram

Para naman sa mga tagahanga ng dalawa, magandang balita na maayos ang dalawa lalo at ilang araw na rin na naging usap-usapan ang espikulasyong hiwalay na sila kasunod ng pagpost nila ng picture noong Pasko at Bagong Taon nang hindi magkasama.

Read also

Ogie Alcasid at Regine Velasquez, muling nakasama si Michelle Van Eimeren at mga anak nila

May mga cryptic post din si Sofia na naging dahilan upang lalong umigting ang usap-usapan. Gayunpaman, nanatiling tahimik ang dalawa kaugnay sa lumabas na isyu kaya marami sa kanilang mga tagahanga ang umasang hindi pa nga sila hiwalay.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayan ganyan dapat, pag ikaw ang lalake, kahit mapagod magpapahinga lang but never cease fighting for your family.
So happy for them stay strong lang Sofia & Daniel
Stay strong no matter what happe

Si Sofia Andres ay isang aktres at commercial model. Nakilala siya sa kanyang pagganap sa mga palabas kagaya ng She's Dating the Gangster, Relaks, It's Just Pag-Ibig, Forevermore, Pusong Ligaw at Bagani.

Matatandaang naibahagi ni Sofia ang mga cute na pictures ng kanyang anak na si Zoe. Ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram at marami ang natuwa sa cute na cute niyang anak. Nakasuot ito ng costume at sa caption ng naturang post niya ay ang mga salitang "My litol Querubin"."

Read also

McCoy de Leon, kinumpirma ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Elisse Joson

Sa pagdiriwang ng ika-3 kaarawan ng anak nina Sofia at Daniel na si Zoe noong Nobyembre at isang birthday party ang kanilang inihanda. Ginanap nila ang party sa Palazzo Verde. Binahagi ni Sofia sa kanyang Instagram post ang pictures na kuha sa dinaos nilang pagdiriwang. Marami sa mga netizens ang natuwa sa binahaging mga pictures ni Sophia.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel