Ivana Alawi, pinasalamatan ang mga magulang dahil sa utos ng tatay ni Zeinab
- Masayang nakipagkulitan ang tatay ni Zeinab Harake kay Ivana Alawi
- Isa kasi si Ivana sa mga dumalo ng birthday party ni Zeinab noong December 11
- Nagpasalamat kasi si Zeinab sa ama sa umano'y ipinamana nitong kagadahan sa kanya
- Kaya naman naisipan din ng ama ni Zeinab na kulitin si Ivana na pasalamatan din nito ang kanyang mga magulang
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nakipagkulitan din ang tatay ni Zeinab Harake sa mga bisita nito sa kanyang 24th birthday party na ginanap sa mismong araw ng kanyang kaarawan noong December 11.
Nalaman ng KAMI na isa sa mga dumalo si Ivana Alawi na 'nautusan' ng ama ni Zeinab.
Una kasing pinasalamatan ni Zeinab ang kanyang papa dahil sa umano'y magandang lahi na naipamana nito sa kanya sa pagiging half Lebanese.
At dahil pareho sila ni Ivana na isa namang half Moroccan, naisipan ng tatay ni Zeinab na sabihan si Ivana na pasalamatan din ang mga magulang.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Pasalamat ka sa nanay mo, tatay mo sa mukha mo!" habang ipinatutok kay Ivana ang camera.
"Maraming salamat sa nanay at tatay ko para sa mukha ko, thank you," ang nasabi naman ni Ivana bilang pagsunod sa ama ni Zeinab.
Bukod kay Ivana, ilan sa mga kilalang personalidad na dumalo ay sina Jelai Andres, Donnalyn Bartolome at Aura Briguela.
Narito ang kabuuan ng masayang kaganapan sa birthday celebrarion ni Zeinab Harake na kanyang naibahagi sa kanyang YouTube channel:
Kamakailan ay naka-bonding naman ni Zeinab si Ivana Alawi sa Baguio. Isa lamang ito sa mga naging lakad nina Zeinab at Ivana matapos ang kontrobersyal na rebelasyon ni Wilbert Tolentino.
Samantala, si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.2 million subscribers sa kanyang channel.
Matatandaan na matapos ang ilang buwang pananahimik ni Zeinab kaugnay sa hiwalayan nila ni Skusta Clee at ng pagkawala ni Baby Moon, isang kontrobersiya na naman ang hinarap niya. Ito ay ang mga umano'y naging rebelasyon ni Wilbert Tolentino ukol sa kanya.
Sa dami ng mga umano'y nangyari sa kanyang buhay, humuhugot na lamang siya ng lakas sa kanyang mga anak na sina Bia at Lucas.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh