Zeinab Harake sa kanyang birthday wish; "Sana po simulan niyo sa mental health ko"

Zeinab Harake sa kanyang birthday wish; "Sana po simulan niyo sa mental health ko"

- Isang simple ngunit eleganteng dinner ang naganap para sa birthday celebration ni Zeinab Harake

- Sa kanyang birthday wish, sinabi nitong hindi na paghahanap ng taong magmamahal sa kanya ang kanyang hiling

- Tila mas isinasaalang-alang ni Zeinab ngayon ang kanyang mental health kaysa sa buhay pag-ibig

- Aniya, labis na rin siyang blessed sa mga taong naroon sa kanyang party na malalapit sa puso niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa party ni Zeinab, makabuluhan ang kanyang mga nasabi kaugnay sa kanyang wish para sa kanyang 24th birthday.

Zeinab Harake sa kanyang birthday wish; "Sana po simulan niyo sa mental health ko"
Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na taliwas sa madalas niyang masambit bilang birthday wish, para sa kanya umanong mental health ang kanyang hiniling.

"Gusto ko sabihin yung birthday wish ko ngayon. Dati kasi ang lagi kong sinasabi na ang birthday wish na gusto ko yung makahanap ako ng taong partner na mahal ako ganun, ngayon parang nagbago lahat 'yun," ani Zeinab.

Read also

Zeinab Harake, ibinahagi ang tipid tips sa kanyang Chanel birthday shoot

"Gusto ko lang sabihin na 'Lord kung ibi-bless mo pa po ako ng sobra-sobra, sana po simulan niyo sa mental health ko. Totally maging okay na ako, thankful po ako sa lahat ng nakakasama ko ngayon, mahal na mahal ko kayo. 'Yun palang sobrang blessed na ako and enough na 'yun para sa akin."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Wini-wish ko, health ng lahat dahil yun ang pinakaimportante, mahal ko po kayong lahat," dagdag pa ni Zeinab.

Narito ang mga kaganapan sa kanyang birthday celebration:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang content creator at influencer sa bansa na mayroon nang 13.2 million subscribers sa kanyang YouTube channel.

Matatandaan na matapos ang ilang buwang pananahimik ni Zeinab kaugnay sa hiwalayan nila ni Skusta Clee at ng pagkawala ni Baby Moon, isang kontrobersiya na naman ang hinarap niya. Ito ay ang mga umano'y naging rebelasyon ni Wilbert Tolentino ukol sa kanya at sa iba pang mga Youtuber tulad nila.

Read also

RR Enriquez, pinayuhan ang volleyball team na umano'y nang-isnab sa kanilang mga fans

Sa dami ng mga umano'y nangyari sa kanyang buhay, humuhugot na lamang siya ng lakas sa kanyang mga anak na sina Bia at Lucas. Katunayan, nang magpunta silang Dubai ng kanyang kapatid na si Rana, wala na siyang ibang bukambibig kundi ang mga anak na naiwan pansamantala sa Pilipinas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel