Zeinab Harake, ibinahagi ang tipid tips sa kanyang Chanel birthday shoot

Zeinab Harake, ibinahagi ang tipid tips sa kanyang Chanel birthday shoot

- Ibanahagi ni Zeinab Harake ang mga behind the scenes na kaganapan sa kanyang birthday photoshoot

- Naganap ito bago ang kanyang aktwal na kaarawan noong December 11 kung saan nagkaroon naman siya ng birthday dinner

- Nagbigay din ng tipid tips si Zeinab kung paano naisagawa ang kanyang photoshoot na wala gaanong ginastos

- Kasama rin sa naturang photoshoot ang kanyang mga anak na sina Lucas at Bia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang ibinahagi ni Zeinab Harake ang mga kaganapan sa kanyang birthday photoshoot na may temang 'Chanel.'

Zeinab Harake
Zeinab Harake (Zeinab Harake YouTube channel)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bagama't kilala ang Chanel bilang isang mamahalin at sosyal na brand, nagbahagi ng tipid tips si Zeinab sa ginawa nilang photoshoot.

Aniya, ang mga bag at accessories na ginamit ay pawang mga personal niyang bag at naging lagayan nito.

Read also

Zeinab Harake sa kanyang birthday wish; "Sana po simulan niyo sa mental health ko"

katunayan, ang isa sa mga dust bags ng kanyang Chanel luxury bag ay ipinagawa niyang corset na siyang ginamit niya sa naturang shoot.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Hindi ako gumagastos sa Chanel ng mga damit... Ang ginagastusan ko lang accessories saka bag," ani Zeinab.

Super happy naman siya sa kinalabasan ng photo shoot at talagang nagmukha pa rin itong bongga at sosyal.

Matapos ang kanyang Chanel themed photoshoot, nagpakuha rin sila ng larawan ng kanyang mga anak na sina Lucas at Bia na makikitang nag-enjoy din sa kanilang ginawa.

Matapos ang behind the scenes ng birthday photoshoot, ibinahagi rin ni Zeinab ang kanyang birthday dinner na dinaluhan lamang ng mga taong malalapit sa kanyang puso.

Bukod sa kanyang pamilya, naroon din ang kanyang team at mga kaibigang sina Jelai Andres, Donnalyn Bartolome at maging si Ivana Alawi.

Read also

Anak ni Andrew Schimmer na naglalambing sa ina, umantig sa puso ng netizens

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.2 million subscribers sa kanyang channel.

Kamakailan naging kontrobersyal si Zeinab matapos na umano'y isiwalat ni Wilbert Tolentino ang ilan sa mga screenshots ng kanilang naging pag-uusap tungkol umano sa mga kapwa nila vloggers.

Gayunpaman, tila unti-unti nang nakakabangon sa kontrobersiya si Zeinab matapos na ipakita ang masasaya niyang ginagawa kamakailan tulad ng food trip sa Ugbo, pagbili ng bagong sasakyan at gayundin ang kanilang Dubai trip kasama ang kanyang kapatid na si Rana.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel