Anak ni Andrew Schimmer na naglalambing sa ina, umantig sa puso ng netizens

Anak ni Andrew Schimmer na naglalambing sa ina, umantig sa puso ng netizens

- Umantig sa puso ng marami ang video ng anak ni Andrew Schimmer na naglalambing sa kanyang mommy

- Makikita sa video ang bunsong anak nina Andrew at Jho Rovero na si Xander na patuloy ang pagsasabi ng I love you sa kanyang mommy

- Kamakailan, tila nagpahiwatig si Andrew ng kasal na nilarawan niyang 'very very soon' na

- Nito lamang Nobyembre 1, sumapit ang ikaisang taon ni Jho sa kanyang kalagayan dahilan para siya ay manatili sa ospital

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agaw-eksena sa social media ang video ng anak ni Andrew Schimmer na si Xander habang ito ay nasa ospital upang bisitahin ang kanyang mommy na si Jorhomy Rovero.

Video ng anak ni Andrew Schimmer na nilalambing ang kanyang mommy, umantig sa puso ng netizens
Andrew Schimmer at kanyang pamilya (The Schimmers)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bagama'y mahimbing pa rin ang tulog ni Jho, malaking bagay ang pagbisita at pagkausap sa kanya ng kanyang mga anak.

Read also

Zeinab Harake sa kanyang birthday wish; "Sana po simulan niyo sa mental health ko"

"I love you so much Mommy, wake up na mommy," ani Xander habang hawak ang kamay ng kanyang mommy Jho.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bukod sa paglalambing ni Xander sa kanyang mommy, pinakikwento rin sa kanya ng kanyang mga kasama ang pagsasayaw umano nito sa school na para sa kanya ay 'embarrassing'.

Narito ang kabuuan ng nakakakatunaw ng pusong video mula sa Facebook page nilang 'The Schimmers:

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na gumawa ng ingay sa social media nang lakas-loob na humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia.

Kamakailan, ibinalik ang kanyang misis sa ospital na noon sana'y mananatili na lamang sa kanilang tahanan upang doon magpagaling. Nilagnat at nagsuka umano ito dahil sa pagtaas ng sodium level nito sa katawan.

Read also

RR Enriquez, pinayuhan ang volleyball team na umano'y nang-isnab sa kanilang mga fans

Dito inabot na muli si Jho ng ika-isang taon nito sa kanyang kalagayan. Umaasa ang marami na patuloy na ang paggaling ni Jho dahil na rin sa kamangha-manghang pag-aalaga sa kanya ng mister at ng kanyang pamilya.

Inalay naman ni Andrew kay Jho ang natanggap niyang Asia's Most Inspiring actor and Model of the Year mula sa 6th Asia-Pacific Luminare Award na ginanap noong Nobyembre 23 sa Okada, Manila. Dumiretso talaga siya sa ospital upang ialay ito kay Jho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel