RR Enriquez, pinayuhan ang volleyball team na umano'y nang-isnab sa kanilang mga fans

RR Enriquez, pinayuhan ang volleyball team na umano'y nang-isnab sa kanilang mga fans

- May payo si RR Enriquez sa women's volleyball team na umano'y nang-isnab ng kanilang fans

- Ani RR mainam sanang napangunahan na ng team ang pagpapaalam sa publiko na sila ay nasa bakasyon at nais na magpahinga

- Sa kasamaang palad, humantong pa kasi ito sa pagkakaroon ng viral video dahilan para sila umano'y ma-bash

- Umani kasi ng samu't saring komento ang naturang video

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

May payo at tips si RR Enriquez sa volleyball team na sinasabing nang-isnab sa mga fans nila kamakailan.

RR Enriquez, pinayuhan ang volleyball team na umano'y nang-isnab sa kanilang mga fans
RR Enriquez (@rr.enriquez)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa dami ng taong nauubos ang oras sa social media, ito sana ang ginamit ng volleyball upang ipabatid nila sa publiko na sila ay magbabakasyon at ayaw paistorbo tulad ng pagpapa-picture.

Halimbawa, maari raw umanong mag-post ang team na nagsasabing hindi lahat ay mapapaunlakan ng pagpapakuha ng larawan.

Read also

Anak ni Andrew Schimmer na naglalambing sa ina, umantig sa puso ng netizens

Sa ganitong paraan, makakaiwas sa pamba-bash ang mga volleyball players na naakusahan ng pang-iisnab.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gayunpaman, nasabi rin ni RR na sana'y nagawa manlang mag-Hi ng mga players lalo na at maayos naman ang pagtawag ng mga nagbi-video na fans na hindi naman sila nilalapitan.

Tulad ng mga naunang komento ng mga kilalang personalidad, mahalaga ang pagkaway o simpleng pagbati sa mga fans na malaki ang naitutulong sa kanilang career.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni RR mula sa YouTube channel:

Isa sa pinakaaabangan linggo-linggo ang mga vlog ni RR Enriquez sa kanyang YouTube channel. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'brutally honest opinion' sa iba't ibang mga isyu lalong-lalo na sa showbiz.

Mula lamang sa kanyang pag-post sa mga sinasawsawang isyu, umaariba na ngayon ang kanyang YouTube channel at kamakailan ay natanggap na nga niya ang kanyang silver play button. Sa ngayon, mayroon na siyang 150,000 subscribers.

Read also

Ogie Diaz, may payo kay Marco Alcaraz matapos na umano'y ma-bash sa kanyang song number

Kamakailan, sinawsawan ni RR ang isyu ni Pambansang Kolokoy Joel Mondina kung saan proud itong ipinakita ang anak sa sinasabing bago nitong partner.

Inalmahan ito ni RR na agad na nag-post ng kanyang saloobin ilang oras mula nang mag-viral ang post ni Pambansang Kolokoy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel