Ogie Diaz, may payo kay Marco Alcaraz matapos na umano'y ma-bash sa kanyang song number

Ogie Diaz, may payo kay Marco Alcaraz matapos na umano'y ma-bash sa kanyang song number

- Nagbigay payo si Ogie Diaz kay Marco Alcaraz matapos na ito'y ma-bash umano kamakailan

- Nag-viral ang song number ni Marco sa isang pageant na bahagi ng pistahan

- Live video pa umano ang panghaharana sa mga kandidata kaya naman mabilis lalo itong nakita ng mga netizens

- Ani Ogie Diaz, nararapat lamang na piliin umano ng mga artista ang raket na kanilang tinatanggap

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinayuhan ni Ogie Diaz si Marco Alcaraz na na-bash kamakailan dahil sa song number nito sa isang pageant na bahagi ng pistahan.

Ogie Diaz, may payo kay Marco Alcaraz matapos na umano'y ma-bash sa kanyang song number
Marco Alcaraz (@marcoalcaraz)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na labis na umagaw ng atensyon ang video ng pagkanta ni Marco lalo na at live video pa ito at masasabing hindi edited.

Ani Ogie, dapat lang na maging maingat ang isang artista sa pagtanggap ng mga raket. Lalo na at may mga 'ebidensya' at resibo ang kanilang mga ginagawa dahil na rin sa social media.

Read also

RR Enriquez, pinayuhan ang volleyball team na umano'y nang-isnab sa kanilang mga fans

"Siyempre may mga ebidensya. May mga resibo na yan. Kung napakahusay naman ng tinig ni Marco Alcaraz, malamang yan maba-viral yan. Maba-viral lalo kapag palpak ang boses, sintunado"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Magandang lesson ito para sa mga actors natin na tumatanggap ng raket. Make sure lang na 'pag kakanta kayo ng solo, 'wag na kayong manghaharana. Lalo na 'yung mga babae. Gusto nila naririnig magagandang tinig. Mas gusto nila singer talaga hindi yung actor na acting ang kayang gawin. May resibo nga... Next time ba kukunin ulit siya matapos mapanood yan," paliwanag pa ni Ogie.

Bagama't may mga nagsasabing baka lasing lang umano si Marco, malinaw sa video na hindi naman ito nakainom, Lalo na't hindi ito lasing.

"Sana na nga lang lasing si Marco 'nun. Para may chance pa na ahh siguro 'pag hindi siya lasing, mas maganda ang tinig niya."

Read also

Ogie Diaz, ibinahagi ang pang-iisnab umano sa kanya noon ng baguhang artista

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Sa isa sa mga episode ni Ogie D sa kanyang Showbiz Update channel, nakapanayam niya si Joshua Garcia na sinabing 'single' daw umano siya ngayon.

Aniya, nakakaramdam siya ng inggit sa umano'y showbiz couples na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde na pawang mga kasama niya sa Japan kamakailan.

Naging usap-usapan din ang pahayag ng aktor na si Christian Bables sa Showbiz Update channel ni Ogie Diaz. Nilinaw ni Christian na 'straight' siya taliwas sa pag-aakala ng iba na isa siyang beki dahil sa mga nagiging roles niya kamakailan sa pelikula.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel