Zeinab Harake, sa kanyang pag-stress eating; "Tingin ko naman nakakabuti siya sa akin"

Zeinab Harake, sa kanyang pag-stress eating; "Tingin ko naman nakakabuti siya sa akin"

- Ibinahagi ni Zeinab Harake na kamakailan ay nagagawa niyang mag-stress eating

- Sa kanyang vlog kung saan nag-food trip sila sa Maynila, nakwento niya na ang pag-stress eating ang dahilan ng pagkakaroon na niya muli ng laman

- Subalit hindi na halos nila na-enjoy ang pag-iikot at pamimili ng pagkain sa Ugbo dahil sa dami nang lumalapit sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa dami raw ng kanyang pinagdaanan kamakailan, unti-unti na rin siyang nakakabawi sa kanyang sarili

Sa bagong vlog ni Zeinab Harake sa kanyang YouTube channel, street foods ang trip niyang kainin kaya nagtungo sila Ugbo sa Maynila.

Zeinab Harake, sa kanyang pag-stress eating; "Tingin ko naman nakakabuti siya sa akin"
Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na doon naikwento ni Zeinab na tila nagbabawi siya kamakailan sa pagkain kaya naman nasabi niyang nag-stress eating na siya.

"Kasi nag-stress eating po ako ladies and gentlemen. Kaya tamang-tama lang din itong content na ito."

Read also

Herlene Budol, idinetalye ang paghabol ng pulis sa kanya sa Uganda; "Eto na 'ata katapusan ko"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Doon sa mga nakakapansin na nagkakalaman ako, 'yun nga po ang ginagawa ko sa sobrang stress ko lately, kain ako ng kain.Tingin ko naman nakakabuti siya sa akin kasi nagkakalaman ako," ani Zeinab.

Matapos na makabili ng ilang pagkain ay hindi na sila nakausad pa ng paglalakad dahil nagsimula nang dumugin sila ng mga tao na lumalapit para magpa-picture.

Dahil dito, minabuti na lamang ng grupo ni Zeinab na hindi na ito ituloy pa.

Narito ang kabuuan ng kanyang vlog:

Kamakailan ay naka-bonding naman ni Zeinab si Ivana Alawi sa Baguio. Isa lamang ito sa mga naging lakad nina Zeinab at Ivana matapos ang kontrobersyal na rebelasyon ni Wilbert Tolentino.

Samantala, si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.2 million subscribers sa kanyang channel.

Read also

Zeinab Harake sa bonding nila ni Xian Gaza; "Pinatunayan ko lang ang sinasabi ni Donna"

Matatandaan na matapos ang ilang buwang pananahimik ni Zeinab kaugnay sa hiwalayan nila ni Skusta Clee at ng pagkawala ni Baby Moon, isang kontrobersiya na naman ang hinarap niya. Ito ay ang mga umano'y naging rebelasyon ni Wilbert Tolentino ukol sa kanya.

Sa dami ng mga umano'y nangyari sa kanyang buhay, humuhugot na lamang siya ng lakas sa kanyang mga anak na sina Bia at Lucas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel