Zeinab Harake sa bonding nila ni Xian Gaza; "Pinatunayan ko lang ang sinasabi ni Donna"

Zeinab Harake sa bonding nila ni Xian Gaza; "Pinatunayan ko lang ang sinasabi ni Donna"

- Mabilis na nag-viral ang post ni Xian Gaza kung saan kasama niya si Zeinab Harake

- Agad itong nasundan ng isang blind item kung saan isang babae ang nagbayad ng Php100,000 na bill at hindi siya nito pinagnayad

- Makikita sa comment section na sumagot si Zeinab at sinabing pinatunayan lang niya ang nasabi ni Donnalyn Bartolome

- Matatandaang minsan nang inalmahan ni Donnalyn ang mga umano'y sugar daddy post ni Xian Gaza

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ilang minuto lang mula nang kanyang mai-post, mabilis na nag-viral ang larawan ni Xian Gaza kasama si Zeinab Harake.

Zeinab Harake sa bonding nila ni Xian Gaza; "Pinatunayan ko lang ang sinasabi ni Donna"
Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ang naturang post ay may kasama pa umanong convo nila ni Zeinab kung saan tila binigyan niya ito ng warning sa dami ng bashers niya at ayaw niyang madamay ang vlogger.

Ngunit sumagot ito na "La ko pake sa kanila friend... Labyu" na sinagot naman ni Xian ng "Labyu too."

Matapos ang post na ito, sinundan naman ito ni Xian ng isang blind item tungkol sa isang babae na nakasama niya at nagbayad ng mahigit Php100,000 sa kanilang bill. Katwiran umano ng babae, ayaw daw nitong mayroong nagbabayad na lalake para sa kanya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa naturang post, makikitang nagkomento si Zeinab at sinabing pinatutunayan lamang niya ang nasabi ng isa rin niyang kaibigan na si Donnalyn Bartolome.

Matatandaang minsan nang inalmahan ni Donnalyn ang post ni Xian tungkol sa mga babaeng may sugar daddy.

"Friend pinatunayan ko lang sinasabe ni donna di lahat ng girls need ng libre at paalak ng iba. now you know hahaha yabyuuuu," ani Zeinab.

"Zeinab Harake hahahahaha yun pala yon! Sabihin mo Xian "Salamat, Donna!" at nakatipid ako. Hahaha! Salamat sa masayang bonding! I'm super happy sa piling mo. Labyu more and more each day... as a friend," sagot naman ni Xian.

Narito ang kabuuan ng post:

Si Christian Albert Gaza o mas kilala bilang si Xian Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam. Gayunpaman, kapansin-pansing nakabangon na si Xian sa hindi magagandang sinapit na ito sa kanyang buhay. Katunayan, inspirasyon na ang hatid niya sa tagumpay na tinatamasa ngayon.

Kamakailan, naglabas si Xian ng maiksing video kung saan nagpapaalala ito sa publiko na tantanan na umano sina Angel Locsin at mister nitong si Neil Arce. Ito ay dahil sa kumakalat na tsismis na nagkakalabuan ang dalawa at tila may third party pang dahilan.

Ani Xian, irespeto na lamang ang pananahimik sa ngayon ng mag-asawa na ilang buwan nang walang paramdam sa kani-kanilang social media. May ilan namang nagsasabi tulad ni Ogie Diaz, na pinili talaga umano ng mag-asawa lalo na ni Angel na magpahinga muna sa socmed.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel