Xian Gaza sa umano'y tsismis kina Angel, Neil at Maxene; "Respeto nalang sana sa mag-asawa"

Xian Gaza sa umano'y tsismis kina Angel, Neil at Maxene; "Respeto nalang sana sa mag-asawa"

- Sa bagong video na inilabas ng Xian Gaza, nakiusap ito na irespeto ang mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce

- Ito ay matapos na maging maugong ang pangalan nila online kung saan may kumakalat na nagkaka-problema ang mag-asawa

- At ang tinuturong dahilan umano ay si Maxene Magalona na kamakaila'y kinumpirma ang hiwalayan nila ng kanyang asawa

- Pakiusap ni Xian na tigilan na umano ang paniniwala sa mga fake news ukol sa tatlo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa kasagsagan ng umano'y tsismis sa mag-asawang Neil Arce at Angel Locsin gayundin kay Maxene Magalona, nakiusap si Xian Gaza na bigyang respeto ang tatlo na nanahimik sa kani-kanilang buhay.

Xian Gaza sa umano'y tsismis kina Angel, Neil at Maxene; "Respeto nalang sana sa mag-asawa"
Xian Gaza (Christian Albert Gaza)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na naging maugong kasi ang pangalan ng tatlo nang maglabasan ang mga blind item ukol sa showbiz couple na nagkakalabuan at involved umano ang isa pang female personality.

Read also

Cristy Fermin kay Ronnie Liang; "'Wag mong maliitin ang mga kasamahan mo"

Dahil dito, nagbigay si Xian ng kanyang Official Statement sa isyu at nakiusap na itigil na ang paniniwala sa mga fake news.

"Guys, pakiusap ko lang no. Respeto nalang sana sa mag-asawang Angel at Neil. Grabe nagpapaniwala kayo sa mga fake news."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Dinamay niyo pa 'yung isang babaeng nananahimik na may pinagdadaanang depresyon ngayon. Dinamay niyo pa si Maxene, my god! Respeto nalang sana sa mga tao."
"Nananahimik sila o tapos gagawan niyo ng kwento. Diyos ko! Magbago na kayo. 'Di tama 'yung ganyan. Karma ang aabutin niyo sa buhay sinasabi ko sa inyo. Nabubuhay pa kayo sa mundo, sinusunog na ang kaluluwa niyo sa impyerno.Magbago na kayo. Respeto nalang sa tatlo 'di ba? 'Di niyo ba alam 'yung salitang respeto?"

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Read also

Maxene Magalona sa nagsabing "nagpa-renovate" siya ng ilong: "One of my favorite comments"

Agosto 7 noong 2021 nang isapubliko niya ang pagpapakasal sa film producer na si Neil Arce. Kilala rin si Angel sa pagiging isang philanthropist dahil na rin sa kabi-kabila niyang pagtulong sa mga kababayan nating sinusubok ng matinding kagipitan sa buhay lalo na nang magsimula ang pandemya kung saan bukod sa marami ang nagkasakit, marami rin ang mga nawalan ng hanapbuhay.

Kilala siya sa tahimik ngunit agarang pagtulong sa ating mga kababayang nasasalanta ng iba't ibang kalamidad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel