Cristy Fermin kay Ronnie Liang; "'Wag mong maliitin ang mga kasamahan mo"

Cristy Fermin kay Ronnie Liang; "'Wag mong maliitin ang mga kasamahan mo"

- Tila napangaralan umano ni Cristy Fermin si Ronnie Liang patungkol sa karera nito sa Showbiz

- Ito ay may kaugnayan sa post kamakailan ni Ronnie kung saan inalok umano siya ng adult role

- Sa pantaha nina Cristy, tila namaliit 'di umano ni Ronnie ang ilang mga batikang artista na tumanggap naman noon ng ganoong klaseng karakter sa pelikula

- Aniya, nararapat lamang na mag-ingat si Ronnie sa pagsasalita dahil habang ipinagtatanggol niya ang kanyang sarili, mayroon naman siyang nasasagasaang ibang tao

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila nabigyan ng leksyon ni Cristy Fermin si Ronnie Liang kaugnay sa post nito kamakailan tungkol sa pagtanggi umano niya sa adult role.

Cristy Fermin kay Ronnie Liang; "'Wag mong maliitin ang mga kasamahan mo"
Ronnie Liang (@ronnieliang)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa tingin nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ng Showbiz Now Na!, may nasagasaan umano si Ronnie na mga kilalang artista ngayon sa kanyang mga nabitawang salita.

Read also

Xian Gaza sa umano'y tsismis kina Angel, Neil at Maxene; "Respeto nalang sana sa mag-asawa"

"Mag-ingat ka sa pagsasalita mo. Hindi mo alam na sa pagtatanggol mo sa sarili mo, sa pag-akayat mo sa estado ng iyong pagkatao, sandamakmak itong mga nasagasaan mong ito," ani Cristy.

Nabanggit din nila ang tungkol naman sa naging komento ni John Lapuz na tila pagtatanggol sa ibang artista na maluwag namang tumanggap ng nasabing role.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ang concern ni John Lapuz dun ay para sa mga kasamahan din nating artista na minsan sa isang panahon po ay nagbida sa mga pelikula at seryeng may ipinakitang katawan. Pero ngayon po, 'pag ating tiningnan, matagumpay."

Dagdag pa ni Cristy, nararapat lang na maghinay-hinay ni Ronnie sa mga nabibitiwan nitong mga salita na tila nakakasagasa sa mga kapwa niya artista.

"'Wag mong maliitin ang mga kasamahan mo. Tinanggap ka ng showbiz bilang ikaw, tinanggap ka bilang isang singer, wag mong maliitin yung mga artista na tumatanggap ng pagpapakita ng kanilang katawan"

Read also

Bea Alonzo, may 3 malalaking proyekto bago matapos ang taon ayon kay Cristy Fermin

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel