Bea Alonzo, may 3 malalaking proyekto bago matapos ang taon ayon kay Cristy Fermin

Bea Alonzo, may 3 malalaking proyekto bago matapos ang taon ayon kay Cristy Fermin

- Tatlong malalaking proyekto umano ang dapat pakaabangan kay Bea Alonzo ayon kay Cristy Fermin

- Sa ngayon, abala muna si Bea sa quality time sa kanyang pamilya na nasa Spain

- Isa rin sa aasikasuhin ni Bea ay ang knee operation ng kanyang Mommy Mary Anne

- Matatandaang minsan nang pinuri ni Cristy Fermin si Bea Alonzo lalo na pagdating sa pagdadala nito ng mga intrigang ibinabato sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bago matapos ang taong 2022, may tatlong pasabog 'di umano si Bea Alonzo na dapat pakaabangan ayon kay Cristy Fermin.

Bea Alonzo, may 3 malalaking proyekto bago matapos ang taon ayon kay Cristy Fermin
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa ngayon, nakatutok muna si Bea sa quality time nito sa kanyang pamilya na abala sa kanilang apartment sa Spain.

Sa pagbabalik nga nito sa Pilipinas, paghahandaan naman ni Bea ang knee operation ng kanyang Mommy Mary Anne.

Read also

Cristy Fermin kay Ronnie Liang; "'Wag mong maliitin ang mga kasamahan mo"

"Tatlong matitinding pasabog po 'yan ang mapapanood mula kay Bea Alonzo," ani Cristy na dati nang napuri ang aktres.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang sa isa sa mga episode ng Showbiz Now Na! Sinabi ni Cristy na magandang ehemplo si Bea ng kanyang mga kapwa artista.

Pupwede nating sabihin na isa siyang magandang ehemplo ng mga kapwa niya artista at mga kabataan," ang paglalarawan sa kanya ni Cristy dahil hindi na nito nagawang pumatol pa sa mga ibinabato sa kanyang hindi kagandahang mga salita.

Ayon pa kina Cristy, malaking bagay na masaya ang buhay pag-ibig ni Bea na tila naisasantabi ang mga negatibong pahayag ukol sa kanya.

"Alam mo, andami talagang nananalo sa pananahimik," dagdag pa ni Cristy.

Samantala, narito ang kabuuan ng mga naibigay na umano'y mga update ni Cristy Fermin tungkol kay Bea Alonzo:

Read also

Kean Cipriano, makulit na inalala ang kakaibang nagawa sa kanya ng isang fan

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa loob lamang ng ilang buwan, natanggap na ni Cristy ang kanyang silver play button sa YouTube sa pagkakaroon ng mahigit 100,000 subscribers na ngayo'y may bilang na 278,000 subscribers.

Matatandaang minsan nang pinuri ni Cristy si Bea sa paghawak nito ng kanyang pera at mga ari-arian. Gayundin sa naging reaksyon nito nang matanong siya ng press kung ano ang kanyang reaksyon sa mga komentong naibabato sa kanya ni Lolit Solis.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel