Cristy Fermin sa mga umano'y gumagawa ng fake news; "Gagabaan"

Cristy Fermin sa mga umano'y gumagawa ng fake news; "Gagabaan"

- Nagbigay ng pahayag si Cristy Fermin sa mga umano'y masisipag na gumawa ng fake news

- Lalo na iyong mga nagpapakalat na sumakabilang buhay na ang isang personalidad kahit na ito'y buhay na buhay pa

- Aniya, tila walang sariling bait ang mga taong nakakaisip na gumawa nito

- Maging si Cristy ay tatlong beses na napabalitang namayapa na kaya pagbibiro niya, mayroon pa umano siyang anim na buhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay pahayag si Cristy Fermin sa taong nadadalas ang pagpapakalat ng fake news o matatawag din na 'hoax.'

Cristy Fermin sa mga umano'y gumagawa ng fake news; "Gagabaan"
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na ito ay matapos na mabalitaan na 'patay na naman' si Mike Enriquez na makailang beses nang nabibiktima ng fake news.

"Buti na lang kamo ang Arnold Clavio, naglabas ng pahayag na hindi po totoo, pinatay na naman po siya ng fake news. Paano na lang yung mga tao po na nagmamahal kay Ginoong Mike Enriquez na medyo may kahinaan ang puso," ani Cristy.

Read also

Cristy Fermin kay Ronnie Liang; "'Wag mong maliitin ang mga kasamahan mo"

Nakiusap din siyang tigilan na ang pagpapakalat ng mga ganitong uri ng balita na wala namang katotohanan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Sana lang po iwasan natin ang ganito dahil wala pong karapatan sa atin ang sinomang humusga kung hanggang kailan na lamang ang itatagal natin sa mundo. Kung sino po ang nagbigay, siya lamang po ang may karapatang bumawi. Tanging ang Diyos lamang po," aniya.

Maituturing daw na mga taong walang sariling bait ang walang awang nakakaisip na magpakalat nito para lamang may mapag-usapan o kung ito man ay vlog, maari pang pagkakitaan.

"Alam niyo po ang mga ganitong klaseng balita, gawa-gawa po ito ng taong walang sariling bait. Bakit mang-aano ka para sa kamatayan ng kapwa mo. Gagabaan," ani Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Read also

Cristy Fermin, nababahala sa nadadalas na 'fake news' ukol sa buhay ni Mike Enriquez

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa naturang episode din natalakay nina Cristy ang tungkol sa umano'y pagsasalita ni Alden Richards sa 'kasal at anak' issue nila ni Maine Mendoza.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel