Zeinab Harake, bukambibig sina Bia at Lucas nang magpunta sa Dubai

Zeinab Harake, bukambibig sina Bia at Lucas nang magpunta sa Dubai

- Kahit nasa abroad, bukambibig pa rin ni Zeinab Harake ang mga anak na sina Bia at Lucas

- Matatandaang nagtungo ng Dubai sina Zeinab at kapatid nitong si Rana para sa isang project

- Bagama't may video call, aminado ang magkapatid na miss na miss nila ang mga anak na naiwan sa Pinas

- Dahil dito, todo shopping sina Zeinab ng mga pasalubong sa kanilang mga anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Zeinab Harake ang mga kaganapan nang magpunta sila sa Dubai kamakailan.

Zeinab Harake, bukambibig sina Bia at Lucas nang magpunta sa Dubai
Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na kasama ni Zeinab ang kanyang kapatid na si Rana para umano sa isang proyekto.

Bagama't super enjoy si Zeinab na sobrang na-amaze sa ganda ng Dubai, mapapansin sa video na panay ang banggit ni Zeinab sa mga anak na sina Bia at Lucas.

Read also

Rendon Labador, pinuri ang pagbawi nina Deanna Wong na kumaway sa ilang fans

"Hirap po ng signal ng video call dito, anlala. Nahihirapan kami. Miss na miss na namin 'yung mga bata," ani Zeinab bago nila ma-contact ang mga anak na nasa Pilipinas.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bago sila bumalik sa bansa, naibahagi rin nila ang pagsa-shopping nila ng mga damit para sa kanilang mga anak.

Siyempre, hindi rin naman nagpahuli sa shopping ang magkapatid para sa kanilang sarili. Lalo na si Zeinab na malapit nang magdiwang ng kaarawan kaya naman nasabi niyang early birthday gift sa sarili ang kanyang mga napamili.

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan ng kanilang trip sa Dubai mula sa YouTube channel ni Zeinab Harake:

Kamakailan ay naka-bonding naman ni Zeinab si Ivana Alawi sa Baguio. Isa lamang ito sa mga naging lakad nina Zeinab at Ivana matapos ang kontrobersyal na rebelasyon ni Wilbert Tolentino.

Read also

Xian Gaza, nilinaw na hindi siya makikisali sa gulo nina Zeinab at Angelica Yap

Samantala, si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.2 million subscribers sa kanyang channel.

Matatandaan na matapos ang ilang buwang pananahimik ni Zeinab kaugnay sa hiwalayan nila ni Skusta Clee at ng pagkawala ni Baby Moon, isang kontrobersiya na naman ang hinarap niya. Ito ay ang mga umano'y naging rebelasyon ni Wilbert Tolentino ukol sa kanya.

Sa dami ng mga umano'y nangyari sa kanyang buhay, humuhugot na lamang siya ng lakas sa kanyang mga anak na sina Bia at Lucas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel