Rendon Labador, pinuri ang 'pagbawi' nina Deanna Wong na kumaway sa ilang fans

Rendon Labador, pinuri ang 'pagbawi' nina Deanna Wong na kumaway sa ilang fans

- Pinuri naman ni Rendon Labador ang pagkaway na nina Deanna Wong sa mga fans na nakakita sa kanila sa El Nido

- Matatandaang isa si Rendon sa tila sumita sa team nina Deanna na hindi umano namansin ng mga fans

- Aniya, kahit 'plastik' na ngiti at kaway sa mga fans ay sapat na para na rin sa ikasisiya umano ng fans

- Bukod kay Rendon, isa rin sa mga umalma sa pagdedma noon ng mga volleyball payers ay si Kim Atienza

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binigyang puri naman ni Rendon Labador ang pagpansin na umano nina Deanna Wong sa ilang fans na nakakita sa kanila sa El Nido.

Rendon Labador, pinuri ang 'pagbawi' nina Deanna Wong at kumaway na sa ilang fans
Rendon Labador (Rendon Labador Fitness)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na kumalat ang video ilang araw matapos na mag-viral ang naunang video nina Deanna at kanyang team kung saan makikitang dedma ang mga ito sa mga fans na umaasang lilingon manlang ang mga ito, kakaway o mag-hi sa kanila.

Una na itong inalmahan ni Rendon at agad na tinanong umano ang mga coach ng volleyball players para mabigyan sana umano ang mga ito ng pangaral sa pagpapakita ng kagandahang asal.

Subalit nang makita naman niya ang video kung saan kumaway at ngumiti na si Deanna at ilan pa niyang kasama sa fans na naka-video at tumatawag sa kanila, pinuri naman ito ni Rendon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"'Yan ang maganda, kahit plastik lang ang kaway at ngiti okay na. Ayaw ko lang kasing makita ng lahat sa socmed ang hindi magandang galawan," ang bahagi ng komento ni Rendon.

Matatandaang bukod kay Rendon, maging si Kuya Kim Atienza rin ay umalma noon sa viral video nina Deanna na hindi manlang nagpaka-lingon lingon sa mga fans nilang nag-aabang sa kanila.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Rendon na ibinahagi rin ng Balita.net:

Si Rendon Labador ay isang influencer, vlogger, fitness instructor at motivational speaker. Kamakailan, gumawa ng ingay online ang pangalan ni Rendon nang hamunin siya ng one on one sa basketball ni Marc Pingris. Ito ay may kaugnayan sa komento ng social media influencer sa naging pahayag ng Gilas head coach na si Chot Reyes.

Kamakailan, nagbigay komento rin si Rendon kay Kean Cipriano matapos niyang makapanayam ang iba pang miyembro ng bandang Callalily na ngayo'y kilala bilang The Lily.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel