Marc Pingris kay Rendon Labador: 1 on 1 tayo, pupuntahan kita
- Isang hamon ang binitawan ng PBA at ex-Gilas player na si Marc Pingris sa social media influencer na si Rendon Labador
- Ito ay kasunod ng naging komento ni Rendon sa naging pahayag ni Gilas head coach Chot Reyes kaugnay sa pagkaka-boo sa kanya
- Sa post press conference, sinabi ni Chot na okay lang sa kaniya ma-boo, huwag lang ang mga players
- Komento ni Rendon dito ay hindi daw talaga mananalo kung puro 'paawa effect'
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Hinamon ng PBA at ex-Gilas player na si Marc Pingris sang social media influencer na si Rendon Labador sa isang one on one. Ito ay matapos magkomento ng social media influencer kaugnay sa naging pahayag ni Gilas head coach Chot Reyes.
Sa post press conference, sinabi ni Chot na okay lang sa kaniya ma-boo, huwag lang ang mga players. Ayon naman kay Rendon ay hindi talaga mananalo kung puro paawa effect lang ang ginagawa.
Kasunod nito ay nagkomento dn si Marc at hinamon si Rendon sa isang 1 on 1 match.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
“Rendon Labador… idol balita ko magaling ka daw sa basketball. 1on 1 tayo san at kaylan mo gusto pupuntahan kita."
Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.
Matatandaang hinamon ni Kiko Matos ang influencer na si Rendon para sa isang one-on-one. Nasabi na rin nito sa isang video na handa siyang magdemanda sa tinaguriang motivational speaker. Kaugnay ito sa pagsapak sa kanya ni Rendon pagkatapos ng basketball match ni Rendon at isa pang YouTuber. Si Kiko ay naroroon din sa venue para magsilbing commentator sa nasabing match.
Matapos ang pag-viral ng pagsampal niya kay Kiko Matos, naglabas ng kanyang pahayag si Rendon. Nilinaw niyang walang kinalaman ang lahat ng affiliations niya at mga produktong iniendorso niya. Naiintindihan niyang karapatan ni Kiko na magdemanda dahil sa kanyang nagawa sa naganap na Battle of the YouTubers: Rendon vs. Jonah. Hindi niya umano pino-promote ang violence at hindi siya proud sa kanyang ginawa ngunit nais niyang ibahagi ang mensahe sa mga tao na huwag hayaang tapakan ng ibang tao.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh