Kiko Matos, hinamon ng one-on-one ang infuencer na si Rendon Labador

Kiko Matos, hinamon ng one-on-one ang infuencer na si Rendon Labador

- Hinamon ni Kiko Matos ang influencer na si Rendon Labador para sa isang one-on-one

- Nasabi na rin nito sa isang video na handa siyang magdemanda sa tinaguriang motivational speaker

- Kaugnay ito sa pagsapak sa kanya ni Rendon pagkatapos ng basketball match ni Rendon at isa pang YouTuber

- Si Kiko ay naroroon din sa venue para magsilbing commentator sa nasabing match

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon ang girian nina Kiko Matos at Rendon Labador. Ito ay matapos sapakin ni Rendon si Kiko matapos ang match niya sa isa pang YouTuber na si Jonah Jacob ng Brusko Bros.

Makikita sa mga kumakalat ng video na matapos ang match, nakikipag-usap si Rendon malapit sa mesa kung saan nakaupo si Kiko bilang isa sa mga commentator sa nasabing match.

Kiko Matos, hinamon ng one-on-one ang infuencer na si Rendon Labador
Kiko Matos (@badassmatos)
Source: Instagram

Kapansin-pansin ang tuloy-tuloy na pagsasalita ni Kiko kay Rendon kahit tila hindi siya nito pinapansin.

Read also

Robi Domingo, pinakita ang kanyang sariling walk-in closet

Kinalaunan, matapos ang paulit-ulit na pagsasalita ni Kiko, bigla siyang sinapak ni Rendon. Pinigilan naman sila kaagad ng iba pang mga kasamahan para hindi na lumaki at humaba ang gulo.

Sa isang video ay sinabi ni Rendon na kaya niya iyon nagawa ay dahil sa pang-iinsulto umano sa kanya ni Kiko.

Ayon naman kay Kiko ay handa siyang sampahan ng kaso si Rendon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan si Rendon matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Sa kasalukuyan, lalong naging malakas ang social media. Matapos ngang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN na maituturing na isa sa heganteng TV network sa bansa, unti-unting nasanay ang tao na manood na lamang sa internet kesa sa telebisyon.

Kaya naman, maraming mga influencers at social media personalities ang sumikat kagaya na lamang nina Alex Gonzaga, Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome at marami pang iba.

Read also

John Lloyd Cruz at Katrina Halili, hindi umano totoong magkarelasyon

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

iiq_pixel