John Lloyd Cruz at Katrina Halili, hindi umano totoong magkarelasyon

John Lloyd Cruz at Katrina Halili, hindi umano totoong magkarelasyon

- Naging usap-usapan at palaisipan sa mga netizens ang tunay na relasyon nina John Lloyd Cruz at Katrina Halili

- Ito ay matapos ibahagi ni Katrina kamakailan ang kanilang mga litrato na kasama nila maging ang anak ng aktor sa dating karelasyon na si Ellen Adarna

- Sa isang Showbiz News Update episode ni Ogie Diaz, napag-alamang magkaibigan lamang ang dalawa

- Ang karelasyon umano ni Katrina ang malapit na kaibigan din ng aktor kaya maging sila ay naging magkaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang ilang araw matapos ilabas ni Katrina Halili ang mga picture nila kasama si John Lloyd Cruz at ang anak nitong si Elias, naging palaisipan sa publiko kung ano ang namamagitan sa kanila.

John Lloyd Cruz at Katrina Halili, hindi daw totoong magkarelasyon
John Lloyd Cruz (@johnlloydcruz83)
Source: Instagram

Kaya naman, minabuti nina Mama Loi at Ogie Diaz ng Showbiz News Update na linawin ang tungkol sa isyung ito.

Read also

Renato Hipolito, hinamon si Cardo Dalisay at ang mga Agila sa sayawan

Mula sa kanilang source na malapit din umano sa dalawa, magkaibigan lamang sina John Lloyd at Katrina, taliwas sa mga lumalabas na espikulasyon.

Ang kasalukuyang karelasyon umano ni Katrina ay malapit kay John Lloyd. kaya iyon ang dahilan kaya naging magkaibigan din sila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si John Lloyd Cruz ay unang nakilala sa longtime running telebisyon show sa 'ABS-CBN,' na may pamagat na 'Tabing Ilog' kung saan nya napakareha si Kaye Abad.

Siya ay naging isang malaking bituin na may napakalaki at matagumpay na mga pelikula at serye sa telebisyon na nagdala ng maraming mga parangal at pagkilala sa kanya bilang isa sa pinakamahusay na aktor sa bansa.

Matatandaang kamakailan lang ay kinumpirma ang pagbabalik telebisyon ni John Lloyd Cruz.

Kasabay ng pagsasapubliko ng tungkol sa kanyang pagbabalik-showbiz, ibinahagi din ni John Lloyd ang kanyang official na social media pages.

Read also

Ryan Bang, nakipag-collab kay Herlene Budol sa isang vlog

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel