Renato Hipolito, hinamon si Cardo Dalisay at ang mga Agila sa sayawan

Renato Hipolito, hinamon si Cardo Dalisay at ang mga Agila sa sayawan

- Marami ang naaliw sa TikTok dance na ibinahagi ni John Arcilla kasama ang ilang cast ng "FPJ's Ang Probinsiyano"

- Sinayaw nila ang isang usong sayaw sa TikTok kung saan kasama si Ruel Santiago, Tirso Cruz III at Nonong Ballinan

- Sa kanyang caption ay hinamon ni Arcilla sina Cardo at ang Agila na mga kalaban niya sa nasabing serye

- Umani ng mga reaksiyon at komento ang nakakaaliw na video na ito ng aktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling kinaaliwan ang ibinahaging video ni John Arcilla sa kanyang Instagram account kung saan makikita siyang sumasayaw kasama ang ilang FPJ's Ang Probinsiyano cast na sina Ruel Santiago, Tirso Cruz III at Nonong Ballinan.

Renato Hipolito, hinamon si Cardo Dalisay at ang mga Agila sa sayawan
John Arcilla (@johnarcilla)
Source: Instagram

Sinayaw nila ang isang usong sayaw sa TikTok. Sa kanyang caption ay pabiro niyang hinamon ang kaaway niya sa serye na sina Cardo Dalisay at Ang Agila.

Read also

Ryan Bang, nakipag-collab kay Herlene Budol sa isang vlog

Cardo Dalisaaaaaaaay!!! Nasaan ka na!??? Ilabas mo ang iyong mga Agilaaaaa!!! Lumaban kaaaaa...!!! Mga Duwaaaaag!

Samantala narito ang komento ng ilang netizens:

Disclaimer: NO pelvic bone was broken on this TikTok.
I loved this video, it shows how perfect your friendships within the set of ang Probinsyano. Happy, happy lang.
Haha.....Cardo at mga Aguila labannnnn hahaha....sama nyo na rin mga palpak na Black Ops, Senior Vera at Lito

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang teleseryeng FPJ's Ang Probinsyano ay unang lumabas sa telebisyon noong 2015 sa ABS-CBN Entertainment. Ito ay base sa pelikula ni Fernando Poe Jr. Ito ang tinaguriang longest-running drama series sa bansa na umabot na sa mahigit 1400 na episodes.

Kamakailan ay muling naging usap-usapan ang nasabing serye matapos mag-viral ang video kung saan makikita ang eksena ni Coco Martin na galit na galit.

Read also

Atty. Randolf Libayan, hinimay ang video kaugnay sa pahayag ni Atty. Gadon

Kamakailan ay ibinahagi ni Yassi Pressman ang dahilan ng kanyang pagkawala sa FPJAP.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate