Atty. Randolf Libayan, hinimay ang video kaugnay sa pahayag ni Atty. Gadon
- Matapos mag-trending sa social media ang panawagan na i-disbar si Atty. Larry Gadon, hinimay ni Atty. Randolf Libayan ang tungkol sa isyu
- Kaugnay ito sa sinabi ni Gadon na kumpirmado umanong may AIDS si Dating Pangulong Noynoy Aquino
- Naibahagi ni Atty. Libayan ang mga kasong maaring kaharapin ni Gadon base sa kanyang naging pahayag
- Sa video ng Karambola kung saan kasali si Gadon, maririnig pa ang tila pagkatuwa nito nang sabihing pumanaw na si PNoy
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umani ng pambabatikos ang video sa YouTube ng Karambola sa DWIZ matapos ang pinakitang reaksiyon ni Atty. Larry Gadon kaugnay sa pagpanaw ng dating Pangulong NoyNoy Aquino.
Sinabi pa nito na may HIV umano ang dating pangulo kaya hindi na gumaling. Ayon pa sa kanya, ito ay ayon sa kanyang kaibigan na kilalang kilala ang dating pangulo.
Ayon kay Atty. Libayan, tatlo ang kasong maaring kaharapin ni Gadon: Ang REPUBLIC ACT No. 11166 , Desecration of the Dead (Art. 309, New Civil Code) at Defamation to blacken the memory of one who is dead (Art. 353, R.P.C. i.e. libel).
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Atty. Randolf Libayan ay isang trial lawyer na nakilala sa kanyang matapang na paghihimay ng mga kontrobersiyal na mga kaganapan. Ang kanyang YouTube channel na BatasNatin ay dumaan sa kritisismo lalo na mula sa mga tagahanga ng mga taong may kaugnayan sa kanyang tinatalakay sa kanyang channel.
Matatandaang umani ng matinding pambabatikos si Atty. Libayan mula sa mga tagahanga ni Ivana Alawi matapos mag-viral ang kanyang video kung saan tinatalakay niya ang paggamit ng kahirapan ng ilang kilalang ta upang pagkakitaan.
TInalakay niya rin ang mga kasong maaring kakaharapin ng mga taong nagpopromote ng pagbibigay ng limos.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh