Pulis sa viral video na namaril sa isang ginang sa Quezon City, sibak na sa serbisyo
- Tanggal na sa serbisyo si Police Master Sgt. Hensie Zinampan, ang pulis sa viral video na nagawang barilin ang isang ginang sa Quezon City
- Kinumpirma mismo ito ni Philippine National Police Chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar
- Nilagdaan niya ang dismissal ni Zinampan na humaharap sa kasong murder
- Kasalukuyang naka-detain ang dating pulis na kitang-kita sa viral video ang walang-awang pagpaslang sa walang kalaban-laban na ginang
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sibak na sa serbisyo si Police Master Sgt. Hensie Zinampan, ang pulis sa viral video noong Mayo na nagawang barilin ang isang 52-anyos na ginang sa Quezon City.
Nalaman ng KAMI na nilagdaan na ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang dismissal order ni Zinampan na suspek sa pamamaslang kay Lilybeth Valdez.
"Today I signed the dismissal order of Police Master Sgt. Hensie Zinampan who was found guilty of grave misconduct and conduct unbecoming of a police Officer” pahayag ni Eleazar
Patunay lamang daw ito na hindi kinukunsinte ng PNP ang kamalian ng ilan nilang mga kabaro.
"Let this incident be a warning to all PNP personnel, that I will not tolerate wrongdoings in our beloved organization"
Matatandaang hindi nakapagpigil si Eleazar nang makaharap niya si Zinampan. Kanya niya itong kinastigo sa malaking kamaliang nagawa nito sa ginang at sa pamilyang naiwan nito.
Mabilis na nag-viral ang video na kuha mismo ng kaanak ng biktimang si Lilybeth Valdez.
Sinasabing nasa impluwensya umano ng alak si Zinampan na nakuha pang itanggi ang pamamaril sa kabila ng mabigat na ebidensya.
Sa naunang pahayag naman ni Eleazar, nangako itong tututukan niya mismo ang kaso laban sa pulis hanggang sa makamit na ng pamilya ni Valdez ang hustisya sa pagkamatay nito.
Kasalukuyang naka-detain si Zinampan na nahaharap sa kasong pagpaslang.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Hindi rin nalalayo ang kasong ito ni Zinampan sa nag-viral na pamamaril ng dating pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang Sonia at Frank Gregorio sa Paniqui, Tarlac bago matapos ang taong 2020.
Ilang oras matapos na magawa umano ang karumaldumal na pamamaslang sa mag-ina, sumuko rin ito sa pulisya.
Nahaharap sa kasong 'double murder' ang dating pulis na siyang akusado sa kaso. ₱70 million na danyos din ang ipinababayad kay Nuezca bukod pa sa kanyang pagkakakulong.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh