Ruru sa 'di agad pag-amin sa relasyon nila ni Bianca; "Parehas po kaming galing sa love teams"

Ruru sa 'di agad pag-amin sa relasyon nila ni Bianca; "Parehas po kaming galing sa love teams"

- Sinabi ni Ruru Madrid na ang pagkakaroon noon nila ng kanya-kanyang love teams ang dahilan ng 'di agad nila pag-amin ni Bianca Umali

- Ito ay matapos na umamin ni Ruru na si Bianca na umano ang babaeng 'the one' para sa kanya

- Mahirap noon para sa kanila na ilantad ang relasyon lalo na at bawat kilos umano nila'y tinitingnan at inaasahang may kaugnayan sa kanilang mga ka-love team

- Matatandaang naging kontrobersyal ang relasyon ng dalawa dahil sa umano'y humantong ito sa apat na taong wala raw silang label

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagsalita na si Ruru Madrid kaugnay sa totoong estado ng kanilang relasyon ng kapwa niya Kapuso star na si Bianca Umali.

Ruru, sa 'di agad pag-amin sa relasyon nila ni Bianca; "Parehas po kaming galing sa love teams"
Ruru Madrid (Screengrab from Toni Gonzaga Studio Youtube Channel)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga napag-usapan nila ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube channel.

Read also

Ruru Madrid, inaming si Bianca Umali na ang "the one" para sa kanya

Matapos aminin ni Ruru na masasabi niyang si Bianca na umano ang babaeng 'the one' para sa kanya, sinabi rin nitong hindi naging madali ang umano'y hindi nila pag-amin sa kanilang relasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"We started na hindi namin kasi talaga sinasabi sa mga tao kung ano 'yung relationship namin. Sobrang naging discreet kami," paliwanag ni Ruru.

"It's hard e... I mean parehas po kaming galing sa love teams. And it was really hard. Parang lahat ng gagawin niyo, binabantayan. So ito na lang 'yung natitirang bagay sa akin na maki-keep ko sa sarili ko... Gano'n siya kasagrado sa'kin," dagdag pa ni Ruru.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ruru mula sa Toni Gonzaga YouTube channel:

Si José Ezekiel Misa Madrid o mas kilala bilang si Ruru Madrid ay isang aktor at modelo sa bansa. Produkto siya ng reality show ng GMA na Protégé: The Battle For The Big Artista Break. Noong 2016, mas nakilala siya bilang isang Kapuso star sa remake ng teleseryeng Encantadia. Sa ngayon, siya na ang bida sa isa na namang serye sa GMA, ang Lolong.

Read also

Cristy Fermin, sinabing naaantala umano ang ilang gamutan ni Kris dahil Sa Feng Shui

Kamakailan, naging matunog ang pangalan ni Ruru matapos na umano'y sawsawan ni 'Sawsawera Queen' RR Enriquez ang isyu sa umano'y walang label na relasyon nina Ruru at Bianca Umali.

Matatandaang maging ama ni Ruru at nagbigay komento rin sa isyu bilang pagtatanggol sa kanyang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel