Cristy Fermin, sinabing naaantala umano ang ilang gamutan ni Kris dahil Sa Feng Shui

Cristy Fermin, sinabing naaantala umano ang ilang gamutan ni Kris dahil Sa Feng Shui

- Nabalitaan nina Cristy fermin na naaantala umano ang ilang gamutan ni Kris Aquino dahil sa paniniwala raw nito sa Feng Shui

- Ayon sa kanilang mga sources, marami sa mga procedures ng pagpapagamot ni Kris sa Amerika ang na-reschedule dahil sa mga iniiwasang araw o oras nito

- Dahil dito, nagbigay payo si Cristy hindi lamang kay Kris kundi maging sa publiko

- Minsan na ring naibalita ni Cristy ang pagpapahinga umano ni Kris sa social media upang makatutok na lamang sa kanyang pagpapagamot

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi nina Cirsty Fermin, Rommel Chika at Morly Alinio ang nabalitaan umano nila na naantalang pagpapagamot ni Kris Aquino.

Cristy Fermin, sinabing naaantala umano ang ilang gamutan ni Kris dahil Sa Feng Shui
Cristy Fermin (Screengrab from Showbiz Now Na!)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na patuloy ang pagpaparating umano ng balita kina Cristy ng mga kaganapan sa pagpapagamot ni Kris sa Amerika.

"Nitong nakaraang Agosto dahil Ghost month nga, kahit naman dito may mga naniniwala sa ghost month... Dahil di Kris Aquino po ay kilala sa pagiging mapaniwalain talaga sa Feng Shui, nito palang nakaraang Agosto, ayon na rin sa ating mga sources, ay may mga procedures po siya na hindi natuloy sa ospital kung saan siya nandoon," ani Cristy.

Read also

Cristy sa mga duda sa sakit ni Kris: "Kita naman po ang pruweba"

"Di matapos-tapos ang gamutan dahil si Kris ay pinanatili niya sa kanyang isipan ay yung Feng Shui," ayon naman kay Morly.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"E paanong hindi matutuloy e si Kris mismo ang nagsasabing hindi pwede ang ganitong date, re-schedule natin. Hindi pwede 'yung ganitong oras, reschedule natin... dahil nga sa Feng Shui," dagdag pa niya.

Dahil dito, nagpayo si Cristy hindi lang kay Kris kundi pati na rin sa publiko.

"Kailangan po talaga ay idudulog natin at itataas natin sa Diyos ang ating kalagayan. Tanggalin na natin 'yung mga kasabihan, tanggalin natin 'yung kung ano-ano na, bumabagabag sa atin. Dahil sabi nga natin, Diyos lamang ang nakakaalam kung ano ang kahihinatnan ng ating buhay," payo ni Cristy.

Si Cristy Fermin isa sa mga respetadong showbiz reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, pinangunahan niya ang iba't ibang mga talk shows kung saan masasagap ang mga latest showbiz chika.

Read also

Cristy sa 'di pagbati ni Dennis Padilla sa grad ni Claudia; "Siguro sinadya na niyang manahimik"

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbabahagi ng pinakabagong balita sa entertainment scene ng bansa sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel